Basher durog kay Pokwang: 'Wag mo akong kaawaan dahil kasalanan ko nagpalaki ako ng mga DEMONYO SA BUHAY KO!' | Bandera

Basher durog kay Pokwang: ‘Wag mo akong kaawaan dahil kasalanan ko nagpalaki ako ng mga DEMONYO SA BUHAY KO!’

Ervin Santiago |March 09,2023
facebook
share this

Basher durog kay Pokwang: ‘Wag mo akong kaawaan dahil kasalanan ko nagpalaki ako ng mga DEMONYO SA BUHAY KO!’

Ervin Santiago - March 09, 2023 - 06:49 AM

Basher durog kay Pokwang: 'Wag mo akong kaawaan dahil kasalanan ko nagpalaki ako ng mga DEMONYO SA BUHAY KO!'

Pokwang at Malia

“NAGMANA sa ama binuhay mag-isa ng ina.” Yan ang bwelta ng komedyanang si Pokwang sa isang hater na nagkomento sa litrato nila ng anak na si Malia.

Nitong nagdaang araw ay nag-post ng mga litrato ang Kapuso TV host-comedienne sa Instagram kasama ang anak na si Malia, ang nag-iisang anak nila ng dating live-in partner na si Lee O’Brian.

Kuha ang mga nasabing litrato vacation house nila na matatagpuan sa Camaya Coast, Bataan. Sabi ni Pokey sa kanyang caption, “Just the two of us (heart emojis) #CasaMalia #Bataan #camayacoast.”

Ibinahagi rin niya ang solo picture at video ng anak na may caption na, “My little super star (star emojis) @malia_obrian iba ka talaga haahhahaa hyper sa umaga (clapping hands) #CasaMalia #Bataan #camayacoast.”

Sa comments section ay may isang IG user na nagkomento ng, “Nagmana sa ama.” Na sinagot ni  Pokwang ng, “Nagmana sa ama binuhay mag isa ng ina.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Isang basher pa ang nam-bash sa komedyana pero burado na ito. Resbak sa kanya ni Pokwang, “Awang awa din ako sa mga kagaya mo na imbes na buhay nyo asikasuhin nyo dami nyong oras makialam!

“Wag mo akong kaawaan kasi kasalanan ko nag palaki ako ng mga DEMONYO SA BUHAY KO!” ang panunupalpal pa ng Kapuso star sa pakialamerang netizen.

Sa isa pa niyang IG post, makikita ang morning walk nila ni Malia sa paligid ng kanilang vacation house. Wala itong caption pero tinadtad naman niya ito ng mga makahulugang hashtag tulad ng “#casaMalia #camayacoast #Wedontneedaparasite #Happykami #inyonayangkano at #saksaknyosangalangalanyo.

Siguradong si Lee ang pinatatamaan niya sa salitang “kano” sa inilagay niyang hashtag.

Baka Bet Mo: Pokwang inaming hindi nagustuhan ni Lee nang malamang preggy siya, ipapabago ang apelyido ni Malia

Komento naman ng isang IG follower ni Pokwang na mukhang kilala at malapit sa kanya, “Goooo gooo mamang..!! I love you even more, love the hashtags.

“Panalo yung #ngalangalanyo. Hahahha. Ikaw na talaga. Stronger than ever. Wlang tatalo sa puso ng inang mapag mahal. Love you miss pokie,” sabi pa nito.

Ang reply sa kanya ni Pokwang, “deevvvaaa nak? Hahahahhaha shota sila!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Sinagot uli ito ng kanyang kaibigan, “Shutah..!! But seriously mamang, I’m one of your prayer warriors. Super love kita noon pa man.. Kaya I’m sad if you’re sad. But I’m happy whenever you’re happy too. God bless always mamang. Lalo ka gumanda at naging fresh.”

Tugon ni Pokey, “Matatapos din ito nak dont worry nasa healing process ako at magiging happy na ako ulit promise very soon (praying hands emoji).”

Tuluy-tuloy ang pagbanat ng komedyana laban sa dating dyowa na nagsimula noong maubos na ang pasensiya niya laban dito. Bukod sa panloloko sa kanya, wala rin itong naiambag sa pagpapalaki sa anak nila.

Last March 5, nabanggit ni Pokwang na hindi niya mapapatawad si Lee hangga’t hindi ito nagso-sorry sa mga anak niyang sina Mae Subong at Malia.

Sharon sa tanong kung nagpadagdag siya ng boobs: Tunay yan, 3 anak na binuhay niyan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending