Sharon sa tanong kung nagpadagdag siya ng boobs: Tunay yan, 3 anak na binuhay niyan! | Bandera

Sharon sa tanong kung nagpadagdag siya ng boobs: Tunay yan, 3 anak na binuhay niyan!

Ervin Santiago |April 29,2021
facebook
share this

Sharon sa tanong kung nagpadagdag siya ng boobs: Tunay yan, 3 anak na binuhay niyan!

Ervin Santiago - April 29, 2021 - 12:22 PM

DIRETSAHANG sinagot ni Megastar Sharon Cuneta ang tanong ng isang netizen tungkol sa kanyang dibdib.

Ipinagdiinan ng award-winning singer-actress at TV host na tunay na tunay at hindi fake ang kanyang boobs.

Feeling kasi ng isang netizen, nagpadagdag ng dibdib ang misis ni Sen. Kiko Pangilinan matapos makita ang dati niyang litrato kung saan super payat pa ng Megastar.

Ikinumpara kasi ng nag-comment tungkol sa boobs ni Shawie ang picture ng aktres na kuha noong 2000 at sa latest photo nito ngayong 2021.

Ang nasabing komento ay makikita sa post ng isang Sharonian na may caption na, “Repost from @gens_iya… Mula noon hanggang ngayon walang kupas parin ang ganda ng nag iisang MEGA STAR (three smiling face with heart eyes emojis).

“We Love You Ma, Sharon (face throwing a kiss emoji). @reallysharoncuneta.”

At ang komento nga rito ng netizen, “Bakit lumaki boobs? (face with tears of joy emoji).”

Sinagot naman ito ng nag-iisang Megastar at sinabing totoo ang kanyang boobs at hindi niya ito ipinaretoke.

Aniya, tatlong baby na raw ang binuhay ng kanyang dibdib na ang tinutukoy ay ang mga anak niyang sina KC Concepcion, Frankie at Miel Pangilinan.

“Tunay yan. 3 na anak na binuhay nyan lalo si Miel. Tapos tumaba ng wagas at pumayat!” ang sagot ni Shawie sa nasabing netizen.

* * *

Ma-in love muli sa tambalan nina Piolo Pascual at Regine Velasquez-Alcasid dahil mapapanood na muli (through ABS-CBN Film Restoration) ang digitally restored at remastered version ng 2007 romantic-drama hit mula Star Cinema na “Paano Kita Iibigin” sa Sagip Pelikula Festival sa KTX.

Ang pelikulang “Paano Kita Iibigin” ang una at huling tambalan nina Piolo at Regine sa pelikula. Ito ay mula sa kwento nina Tammy Bejerano-Dinopol at John Paul Abellera, panulat nina Abellera, Vanessa Valdez, at Mel Mendoza-del Rosario, at sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Sundan ang kwento ni Regine bilang Martee, isang single mother na natanggal sa trabaho at pinalayas sa kanyang munting tahanan habang nakikipag-sapalaran buhayin ang nag-iisa at sakiting anak.

Napagdesisyunan niyang magbakasyon muna sila sa Zambales sa paluging resort na pagmamay-ari ni Lance (Piolo), isang negosyanteng lubhang naapektuhan matapos ang isang malagim na aksidente.

Nabuklod sila sa isa’t isa nang maging manager sa resort si Martee. Madalas man mag-away ang dalawa, ‘di magtatagal ay uusbong ang matamis na pag-iibigan nila dahil handang tulungan ni Martee si Lance na makabangon mula sa kanyang nakaraan.

Alamin kung magtatagal ba ang kanilang pagmamahalan sa online screening ng box-office hit mula Star Cinema na “Paano Kita Iibigin” ngayong Abril 27, 7:30 ng gabi sa KTX.ph. Mabibili na ang tickets nito sa https://bit.ly/PaanoKitaIibiginOnKTX.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magkakaroon din ito ng pre-show kasama sina Piolo, Regine, Eugene Domingo, at manunulat nitong si John Paul Abellera. Kamakailan din ay nag-trending sa Twitter ang remastered na pelikula bago pa ang mismong showing nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending