Xian Gaza umeksena sa bangayang Rosmar-Glenda: 'Nabababoy tuloy yung term na CEO' | Bandera

Xian Gaza umeksena sa bangayang Rosmar-Glenda: ‘Nabababoy tuloy yung term na CEO’

Therese Arceo |March 07,2023
facebook
share this

Xian Gaza umeksena sa bangayang Rosmar-Glenda: ‘Nabababoy tuloy yung term na CEO’

Therese Arceo - March 07, 2023 - 07:34 PM

Xian Gaza umeksena sa bangayang Rosmar-Glenda: Nabababoy tuloy yung term na CEO
HINDI na nakapagpigil ang social media personality na si Xian Gaza at umeksena na sa bardagulan nina Rosmar Tan at Glenda dela Cruz online.

Tinawag na nga ng “Pambansang Marites” ang pansin ng dalawang kaibigan dahil sa diumano’y “pagkakalat” ng mga ito sa social media.

“No offense sa dalawang tropa ko. Parehong proud CEOs pero panay siraan, parinigan, at bangayan,” panimula ni Xian.

Dagdag pa niya, maaaring makaapekto ang kanilang patuloy na parinigan at siraan sa kanilang negosyo.

“Nabababoy tuloy yung term na CEO. Kung ako distributor o reseller nung dalawang brand eh mawawalam ako ng ganang humataw kung ganyan ang CEO,” hirit pa ni Xian.

Sina Rosmar at Glenda ay ang mga kilalang CEO ng mga sabong pampaputi at pampakinis.

Baka Bet Mo: Toni Fowler hindi makikisawsaw sa isyu nina Rosmar at Zeinab: Walang magandang maidudulot yan

Bago pa man ang ginawang pag-call out ni Xian sa dalawa ay ilang araw na rin ang kanilang parinigan na nagsimula sa post ni Rosmar na nagbabalak bilhin ang Uugong Park sa Morong, Rizal.

Chika niya, may nauna na raw nag-inquire dito pero hindi napagbigyan dahil hindi aprubado ang loan.

Nag-react naman si Glenda at sinabing “story maker” raw ang isang tao dahil wala raw siyang utang at hindi niya kailangang umutang kahit umabot pa ng P100 million ang need niyang bilhin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miss Glenda (@iammissglenda)

Matagal na ang hidwaan ng dalawa at sa katunayan, hindi rin sila nagpakabog sa isa’t isa at nagkaroon pa ng concert sa Araneta Coliseum kamakailan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Xian Gaza trending na naman dahil sa hiwalayang Moira at Jason, pero bakit binanatan ng mga miyembro ng LGBTQ?

Angeli Khang may hamon kay Xian Gaza: Hindi ako marites pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending