Herlene Budol sasabak sa Miss Grand Philippines 2023: 'Kapal ng mukha lang po ang number 1 puhunan ko sa buhay' | Bandera

Herlene Budol sasabak sa Miss Grand Philippines 2023: ‘Kapal ng mukha lang po ang number 1 puhunan ko sa buhay’

Ervin Santiago |March 01,2023
facebook
share this

Herlene Budol sasabak sa Miss Grand Philippines 2023: ‘Kapal ng mukha lang po ang number 1 puhunan ko sa buhay’

Ervin Santiago - March 01, 2023 - 01:10 PM

Herlene Budol sasabak sa Miss Grand Philippines 2023: 'Kapal ng mukha lang po ang number 1 puhunan ko sa buhay'
SURE na sure na ang paglaban ng Kapuso TV host-comedienne na si Herlene Budol sa Miss Grand Philippines 2023 pageant na magaganap sa Mall of Asia Arena sa darating na June 2.

Ito ang kinumpirma ng komedyana at beauty queen sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon at ipinagdiinan niya na desisyon niya ito at hindi basta idinikta sa kanya.

Si Herlene ang kinoronahang 1st runner-up sa Binibining Pilipinas 2022 pero inamin niya sa isang panayam na medyo napilitan lang siyang mag-join noon dahil sa talent manager niyang si Wilbert Tolentino.

Sabi ni Herlene sa interview ni Tito Boy, this time talagang gusto niyang subukan ang sumabak sa Miss Grand Philippines.

“Kung ako ang tatanungin, Tito Boy, gusto ko yung gusto ng manager ko naman, so sasali po ako.

“Nu’ng Binibini po, totally hindi ko po talaga gustong sumali. Siya lang po yung nag-motivate sa akin. Nakita niya po yung potensiyal ko daw po,” pahayag pa ni Herlene.

Aniya pa, “Tinupad niya yung mga pangarap ko, magkaroon ng bahay, sasakyan, mapagamot yung lolo ko, pati yung burol ng lola ko, sinagot niya.

“So, yung kaligayahan naman po ni Sir Wilbert ang gagawin ko, which is kaligayahan ko din po ngayon, ‘yung mapasaya ko naman siya,” lahad ng komedyana.

Nang tanungin kung ano naman ang magiging puhunan niya ngayon sa bagong journey na pagdaraanan niya sa sasalihang pageant, “Kapal po ng mukha. Yun po talaga ang number one puhunan ko sa buhay.

“Wala po akong kahit anong talent, kapal lang po ng mukha. Bibihira po yon, yung talent na yon,” sey ni Herlene.

Nag-thank you rin si Herlene sa lahat ng mga taong tumulong sa kanya para makamit ang tagumpay at mga pangarap sa buhay.

“Maraming-maraming salamat po, unang-una, siyempre sa Panginoon. Pangalawa, sa buong pamilya ko, lalung-lalo na sa lola’t lolo ko.

“Nanay, ako na ang bahala sa buong pamilya natin. Hinding-hindi ko sila gugutumin. Mahal na mahal ko sila.

“At siyempre, Tatay Oreng, shout out sa yo! Magpagaling ka diyan! Huwag mong hihilahin yung catheter mo!

“Kasi naka-catheter po siya, inoperahan po siya. Tatay, mahal na mahal kita. Tatay, magpalakas ka. Kumain ka nang madami. Huwag lang maalat.

“Siyempre, sa Papa ko sa showbiz, si Kuya Wil (Willie Revillame).Kuya Wil, maraming-maraming salamat po. Kay Sir Wilbert Tolentino po dahil napunta ako sa tamang tao,” aniya pa.

Kung siya ang mananalong Miss Grand Philippines this year, siya ang magiging representative ng Pilipinas sa Miss Grand International na gaganapin sa Ho Chi Minh City, Vietnam, sa October 25, 2023.

Related Chika:
Herlene Budol may inamin tungkol kay Alden; nagka-cutting sa klase para lang mapanood ang Kalyeserye ng ‘Eat Bulaga’

Hugot ni Herlene Budol sa pagsali sa Bb. Pilipinas: Hindi porke’t galing ka sa ilalim hindi ka na makakabangon

Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending