Vhong muling ibinandera ang pagmamahal sa asawa: 'Walang sawang pagpapasalamat, mahal na mahal kita my Wonder Woman!' | Bandera

Vhong muling ibinandera ang pagmamahal sa asawa: ‘Walang sawang pagpapasalamat, mahal na mahal kita my Wonder Woman!’

Ervin Santiago |February 28,2023
facebook
share this

Vhong muling ibinandera ang pagmamahal sa asawa: ‘Walang sawang pagpapasalamat, mahal na mahal kita my Wonder Woman!’

Ervin Santiago - February 28, 2023 - 04:46 PM

Vhong muling ibinandera ang pagmamahal sa asawa: 'Walang sawang pagpapasalamat, mahal na mahal kita my Wonder Woman!'

MULING pinasalamatan ng controversial TV host-comedian na si Vhong Navarro ang kanyang pinakamamahal na wifey na si Tanya Bautista.

Sa kanyang social media account, ibinandera ng komedyante ang birthday message niya kay Tanya na pinusuan at ni-like ng kanyang mga fans at followers.

Nag-post si Vhong sa Instagram ng litrato ng kanyang misis kalakip ang pagpapasalamat niya sa lahat ng pagsuporta, pagpapasensiya at pagmamahal sa kanya mula noon hanggang ngayon.

“Walang sawang pagpapasalamat sa pagmamahal at pagtitiyaga mo sa akin…

“Mahal na mahal kita my Wonder Woman! Happy Birthday Mahal ko!” ang bahagi ng birthday message ni Vhong kay Tanya.

Kung matatandaan, last month, binigyan din ni Vhong ng tribute ang kanyang better half matapos dumaan sa matitinding pagsubok nitong nagdaang taon. Sinabihan pa niya si Tanya ng, ”Ikaw ang superhero ng buhay ko.”

Nakulong si Vhong noong nakaraang taon sa National Bureau of Investigation detention cell sa loob ng dalawang buwan ay dalawang linggo naman sa Taguig City Jail kaugnay ng kasong rape na isinampa ng dating model na si Deniece Cornejo.

Nakalaya siya pansamantala noong December, 2022 matapos magpiyansa ng P1 million.

Ilang beses nang idinenay ng TV host ang akusasyong rape laban sa kanya at ang tanging kasalanan lang daw niya ay ang pagiging “unfaithful” kay Tanya.

Related Chika:
Vhong humagulgol sa kulungan nang iwan na ng asawa: Makikita mo talaga sa mukha niya bagsak…pinipilit niyang kumain

Asawa ni Vhong Navarro natatakot para sa seguridad ng TV host-comedian

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Promise ni Tanya Bautista kay Vhong Navarro: Sobrang mahal na mahal kita, huwag na huwag mong iisiping iiwan kita…

Vhong kay misis: Maraming salamat Mahal dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap at sa ginhawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending