Asawa ni Vhong Navarro natatakot para sa seguridad ng TV host-comedian Bandera

Asawa ni Vhong Navarro natatakot para sa seguridad ng TV host-comedian

Therese Arceo |September 22,2022
share this

Asawa ni Vhong Navarro natatakot para sa seguridad ng TV host-comedian

Therese Arceo - September 22, 2022 - 04:08 PM

Asawa ni Vhong Navarro natatakot para sa seguridad ng TV host-comedian

AMINADO si Tanya Bautista-Navarro na may takot siyang nararamdaman para sa seguridad ng kanyang asawang si Vhong Navarro.

Sa unang pagkakataon ay humarap sa media ang asawa ng “It’s Showtime” para ibahagi ang kanyang saloobin sa kasalukuyang pinagdaraanan nilang pamilya ukol sa kasong isinampa ni Deniece Cornejo sa kanyang mister.

“P*tcha, patapos na ‘to. ‘Di ko alam paano nila patutunayan ‘tong sinasabi nila. And then suddenly, may reverse,” saad ni Tanya.

Inakala rin niya na tuluyan na ngang magtatapos ang kaso ngunit kahit na ganoon ay buo ang kanyang loob na ilaban ang karapatan ni Vhong na makapag-bail kahit na non-bailable ang kaso nitong rape.

“Bakit kasi may rape? “Lahat ng ebidensya ibinigay namin. Consistent si Vhong sa kuwento niya since day one. So hindi ko alam kung anong nakikita nilang probable cause,” pagpapatuloy pa ni Tanya.

Lahad pa niya, natatakot raw siya sa naging hiling ni Deniece na dapat raw ay ilipat sa Taguig City Jail si Vhong na kasalukuyang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation.

“Of course, that’s very scary kasi threat ‘yun sa buhay niya,” diretsahang sabi ni Tanya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

 

Dagdag pa niya, “Right now, ang worry ko ay ‘yong security for Vhong, ‘yon na lang, nandito na kami so lalaban kami. At Alam ko mapapanalo natin ‘to but for the mean time, at least yong security niya. Natatakot ako for him ‘pag nailipat siya sa Taguig.”

Ani Tanya, sinusubukan niya na maging matatag at malakas para sa kanyang asawa.

Nagpasalamat rin siya sa lahat ng mga nagpapakita ng pagsuporta sa TV host-comedian.

Mensahe naman ni Tanya para sa kampo ni Deniece, “Ang gusto ko lang sabihin, alam naman nila kung ano ang totoo. Alam nila, so sa akin may kasalanan si Vhong, sa akin. Inamin niya iyon mula noon. So, sa akin siya may atraso. Pinatawad ko iyong tao and for the last eight years bumabawi siya.

“We got married ‘yun ‘yung ano, akala ko ‘yung eights years na iyon na parang tapos na iyong kaso, nagpakasal pa kami, sobrang importante niyon sa akin kasi bumabawi siya and then this happened,” umiiyak nitong sabi.

Sa ngayon ay nanatili pa rin sa kustodiya ng NBI si Vhong ngunit wala raw siyang ideya kung hanggang kailan ito manananatili sa detention center.

Naniniwala naman si Tanya na mapapawalang-sala ang kanyang asawa at patuloy nga nilang ilalaban na makapagpiyansa ito sa kasong rape para sa pansamantalang kalayaan.

Related Chika:
Vhong kay misis: Maraming salamat Mahal dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap at sa ginhawa

Misis ni Vhong napaiyak nang humarap sa media: Pinakasalan ko siya…kaya lalaban ako para sa kanya

Abogado ni Vhong Navarro may pasabog na anggulo sa rape case na isinampa ni Deniece Cornejo

NBI inilabas ang mugshots ni Vhong Navarro matapos ang boluntaryong pagsuko

Vhong Navarro kinampihan ng ex-wife na si Bianca Lapus: The truth will prevail, walang iwanan…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending