Sanya nganga pa rin sa pag-ibig: 'Takot din akong ma-in love kaya ang dasal ko kay God, bigyan ako ng karapat-dapat para sa akin' | Bandera

Sanya nganga pa rin sa pag-ibig: ‘Takot din akong ma-in love kaya ang dasal ko kay God, bigyan ako ng karapat-dapat para sa akin’

Ervin Santiago |February 27,2023
facebook
share this

Sanya nganga pa rin sa pag-ibig: ‘Takot din akong ma-in love kaya ang dasal ko kay God, bigyan ako ng karapat-dapat para sa akin’

Ervin Santiago - February 27, 2023 - 05:59 AM

Sanya nganga pa rin sa pag-ibig: 'Takot din akong ma-in love kaya ang dasal ko kay God, bigyan ako ng karapat-dapat para sa akin'

Sanya Lopez

NGANGA. Zero. Waley. Ganyan pa rin kung ilarawan ngayon ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang kanyang lovelife.

Certified “NBSB” o “no boyfriend since birth” ang dalaga pero may mga lalaking nanliligaw naman sa kanya ngunit parang wala pa talaga sa priorities niya ngayon ang magkadyowa.

Ayon sa Kapuso star at Sparkle artist, sana raw ang unang magiging boyfriend niya ang siya na ring makakasama niya  habangbuhay.

Ano nga ba ang mga qualities na hinahanap niya sa isang lalaki na posibleng maging dyowa niya na pang-forever na nga ang datingan?

“If ever, gusto ko yung ready for a serious relationship at hindi yung naglalaro lang as I don’t have time for that.

“Siyempre, it will help if he’s good-looking, mature, mabait, cool and God-fearing. Ang dasal ko nga kay God, send me someone na talagang karapat-dapat para sa akin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)


“I’m not in a hurry naman. Kasi as of now, career pa rin ang priority ko as GMA continues to give me great projects,” pahayag ni Sanya.

Pag-amin pa niya, “Takot din akong ma-in love kasi passionate ako at ibinibigay ko ang lahat.

“So alam ko, the Lord will send him to me at the right time na okay na akong pagsabayin ang having a busy career at lovelife,” dugtong ng dalaga na muling bibida sa latest primetime series ng GMA na “Mga Lihim ni Urduja”.

Dito gaganap siya bilang Princess Urduja kung saan makakasama niya ang mga kapwa Sang’gre sa “Encantadia” reboot (2016) na sina Kylie Padilla at Gabbi Garcia. Mapapasabak muli ang tatlong aktres sa maaaksyong eksena.

“Iba rin kasi ang challenge ng doing action scenes. After I did ‘First Yaya’ and ‘First Lady’ na drama-comedy, talagang welcome for me itong ‘Mga Lihim ni Urduja’ as my next project,” pahayag ni Sanya.

“I played Danaya, Kylie was Amihan and Gabbi was Alena sa Encatadia.  Since then, marami nang nangyari sa mga buhay at career namin, and now, panay ang kwentuhan namin sa set ng ‘Mga Lihim ni Urduja’ to catch up with each other’s lives.

“We’re also glad na kasama rin namin dito ang ibang co-stars namin sa ‘Encantadia’ like Zoren Legaspi, Rochelle Pangilinan and Pancho Magno, kaya ang saya namin sa set,” sey pa ng sisteraka ni Jak Roberto.

Bagong challenge na naman ang hinarap ni Sanya playing Hara (Princess) Urduja, “I was really hoping for an action-project at heto, ang bait ng GMA, binigay naman. I was really surprised that I got the part of Hara Urduja, whose courage as warrior princess in Pangasinan is legendary.

“I know I will be involved in a lot of action scenes and fight scenes kaya naman I have to prepare for it physically,” aniya pa.

Ka-join din sa “Mga Lihim ni Urduja” sina Zoren Legaspi, Jeric Gonzales, Arra San Agustin, Rochelle Pangilinan, Pancho Magno, Winwyn Marquez, Michelle Dee, Kristoffer Martin at Vin Abrenica.

Ito’y mula sa direksyon nina Jorron Lee Monroy, Dominic Zapata at Raff Malabunga at magsisimula na ngayong February 27, kapalit ng hit historical fantasy series na “Maria Clara at Ibarra”.

Kylie dumami ang trabaho mula nang makipaghiwalay kay Aljur, mas naging close pa raw kay Vin dahil sa ‘Urduja’

Kylie sa pag-amin nina Aljur at AJ sa kanilang relasyon: ‘No joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Roselle Nava nag-react sa version ni Gigi de Lana ng ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’; ‘Urduja’ ng GMA may ‘Alice In Borderland’ feels

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending