Ruffa Gutierrez 'nagalit' nang malamang dine-date ng close friend ang dating dyowa | Bandera

Ruffa Gutierrez ‘nagalit’ nang malamang dine-date ng close friend ang dating dyowa

Therese Arceo - February 25, 2023 - 05:38 PM

Ruffa Gutierrez 'nagalit' nang malamang dine-date ng kanyang close friend ang dating dyowa
FEELING ng aktres na si Ruffa Gutierrez ay tinraydor siya ng kanyang malapit na kaibigan nang i-date nito ang dati niyang boyfriend.

Sa kanyang interview na mapapanood sa vlog ni Dra. Vicki Belo ay ibinahagi niya ang kanyang naramdaman noong una niya itong malaman.

Kuwento ni Ruffa, talagang nakaramdam siya ng galit nang una niyang mabalitaan na nakipagrelasyon ang kanyang close friend sa ex-dyowa niyang si Jordan Mouyal.

Si Jordan ay isang French-Israeli na naging boyfriend ng aktres for 7 years at noong November 2020 nga ay tuluyan na silang naghiwalay.

“In the beginning, siyempre, galit ka kasi kaibigan mo,” sagot ni Ruffa.

Pagpapatuloy pa niya, “I left the person. I left him because I didn’t see a future with him. So, it’s very clear na wala naman siyang naging kasalanan sa akin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

“It’s just that I wasn’t growing anymore. After seven years, di ba, it’s time for you to think, ‘Where is this relationship going? Is it still inspiring me to be the best person that I can be?’”

Ngunit ang hindi raw inaasahan ni Ruffa ay sasaluhin ng isa sa kanyang malalapit na kaibigan ang dating kasintahan.

“Alam ko naman makikipag-date siya [Jordan], di ba, alam ko naman yon dahil pinakawalan ko na nga. Pero para i-date ng friend ko na malapit talaga sa akin, it’s more of the betrayal of friendship.

“But now, looking back in hindsight, I know that there is something better waiting for me and someone better waiting for me. And that’s the reason why that we didn’t get along to begin with. It’s because may naghihintay sa akin na bigay ni Lord,” saad ni Ruffa.

Pag-amin pa ng aktres, kinumpronta niya ang kaibigan nang malaman niyang dine-date nito ang kanyang dating karelasyon.

“Yeah. Like I said, I have the Italian temper. ‘Pag galit ako, ano rin, tumatawag din ako, hindi ako papaapi. After a while, nawawala yung anger,” chika ni Ruffa.

Pero naka-move on na raw naman siya ngayon at nagpapasalamat dahil “doing well” na ang aktres sa kanyang buhay.

Matapos ngang pag-usapan ang nakaraan ay natanong naman si Ruffa patungkol sa kasalukuyang relasyon ngunit pinili nitong maging matipid sa mga sagot.

“It’s nice when it’s private. I don’t think everyone needs to know my business. Kasi, when it’s out there, it’s a fuel for people to bash you, to talk about you. At my age, pag finlex mo [dapat] yung slight lang. Not all out there,” lahad niya.

Ito rin daw ang nag-insipire kay Ruffa na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

“The person that I’m dating right now inspires me to be a better person. Hindi ako nakapagtapos ng college kundi dahil sa kanya.”

Last year lang nang grumaduate si Ruffa ng Communication Arts sa Philippine Women’s University at kasalukuyang kumukuha ng Master’s degree.

Matatandaang nali-link ang aktres ngayon sa actor-politician na si Herbert Bautista na siya ring sinabi noon ng aktres na malaking impluwendya ito sa kanyang pag-aaral

Related Chika:
Ruffa Gutierrez inintriga ni Harlene Bautista sa kanyang Valentine’s post: What am I doing there?

Ruffa sa relasyon nila ni Herbert: A private life is a happy life, what you see is what you get…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!

Ruffa Gutierrez super work na sa edad 13 kaya never umasa sa lalaki: ‘I can buy naman my own flowers and jewelry’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending