Ruffa sa relasyon nila ni Herbert: A private life is a happy life, what you see is what you get... | Bandera

Ruffa sa relasyon nila ni Herbert: A private life is a happy life, what you see is what you get…

Ervin Santiago |October 31,2022
facebook
share this

Ruffa sa relasyon nila ni Herbert: A private life is a happy life, what you see is what you get…

Ervin Santiago - October 31, 2022 - 12:08 PM

Ruffa sa relasyon nila ni Herbert: A private life is a happy life, what you see is what you get...

Ruffa Gutierrez, Kathryn Bernardo at Herbert Bautista

AYAW pa ring umamin nang diretsahan ang actress-TV host na si Ruffa Gutierrez hinggil sa tunay na estado ng relasyon nila ni Herbert Bautista.

Naniniwala raw kasi si Ruffa na mas magiging tahimik ang pribadong bahagi ng kanyang buhay at iwas-intriga na rin kung hindi na siya magdedetalye about her lovelife kung meron man.

Kasunod naman nito, mariin niyang pinabulaanan na kasama niya ang kanyang dating asawang si Yilmaz Bektas nang magbakasyon siya sa Italy. Wala ring katotohanan na nagkabalikan na raw sila.

Nakachikahan namin si Ruffa, kasama ang ilan pang miyembro ng entertainment media, sa grand launch ng kanilang kumpanya na Gutz and Glow na ginanap sa Hilton Manila last Thursday, October 27.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


At dito nga niya nilinaw ang tungkol sa kanila ni Yilmaz, ang tatay ng mga anak niyang sina Lorin at Venice.

“Akala ng mga tao, magkasama kami sa Italy. Siyempre ikukuwento ko naman yun. Marami kasing mga websites ngayon na parang Ruffa-Yilmaz loveteam.

“Ano ba ito? Kung kailan naman kami naghiwalay, parang…bakit ganyan ang mga Filipino, di ba? Kapag together kayo, gusto nilang maghiwalay. And then when you guys are hiwalay, they wanna put you back together.

“So, feeling ko wala na talagang ano, balikan na mangyayari. I’m sorry to disappoint the fans, but I don’t wanna play any games, di ba?

“Siguro the only balikan na mangyayari, is talagang as co-parents to the kids, and have a healthy relationship. But in terms of romantic or magpapakasal ako ulit sa kanya, wala na,” paglilinaw pa ng actress-entrepreneur.

Sey pa ni Ruffa, super happy siya ngayon dahil okay na okay ang relasyon ng dalawang anak sa kanilang tatay after almost 15 years.

“I thought that was the beginning of a lot of great things na magko-co-parent kami, and biglang ang daming fans.

“Akala ko it’s gonna be the start of a lot of beautiful things to come. Pero maybe what happened in Istanbul is also a closure sa pain na, ‘Sino ba talaga yung tatay ko. Hindi ko pa siya nakikita. It’s been 15 years. What does he look like, how does it feel?’

“You know, para sa isang bata, there’s always the curiousness na, ‘I wanna get to know my Dad.’ So, baka iyon ang naging closure dun sa pain na iyon.

“Nag-thank you naman si Yilmaz. So, nag-usap kami for a while. But if it doesn’t continue, then okay lang. At least, nagkita na sila finally, di ba?” pahayag pa ng aktres.

Samantala, nang mapag-usapan na nga si Herbert, sinabi ni Ruffa na isa ang actor-politician sa mga influences niya para tapusin ang kanyang pag-aaral. Nagma-Masters na raw siya ngayon sa Mass Communications.

Super supportive rin daw si Bistek sa bago niyang negosyo, sa katunayan bago pa siya nagtungo sa grand launch ng Gutz and Glow ay nakausap pa niya ang rumored boyfriend.

“He just said break a leg kanina, and you know he’s very supportive and excited siya.

“Ang maganda naman kasi kay Herbert, he’s very mature. He supports me in my dreams and goals. Hindi siya nakikialam sa mga gusto kong gawin sa buhay,” aniya pa.

Dagdag pa niya, “I read an article, I forgot who wrote about it. Sabi, because natalo siya sa eleksyon, hindi na kami nagpapansinan and hindi ko na siya kinakausap.

“So, I think that’s wrong because they don’t really know what happens behind closed doors. Tuluy-tuloy yung communication. I believe kasi that a private life is a happy life, di ba?

“What you see is what you get. So, ano ba yung nakita niyo kagabi?” aniya pa na ang tinutukoy ay ang birthday party ni Tita Annabelle Rama kamakailan.

“Hindi naman kami magka-loveteam, ‘no? Hayaan mo, sa next project, puwede!” hirit pa niya.

Samantala, super excited na si Ruffa at ang business partner niyang si Maricor Flores para sa kanilang Gutz and Glow na ni-launch last Thursday night.

“Gutz and Glow is the newest lifestyle brand made of the finest functional ingredients and best antioxidants to provide complete skin and body care,” ani Ruffa.

Ilan sa mga ipinagmamalaki nilang produkto ay ang Butt and Body Scrub, Disinfectant Hand Soap, Feminine Lightening Spray Mist, Luminous Hand Cream, Lustrous Hand Sanitizer, Blazing Hand Sanitizer, Makeup Remover Wipes, at Intimate Feminine Wipes.

“These products will surely help empower everyone who has the gutz to conquer the odds, and exude the glow that will put everyone in awe,” sabi naman ni Maricor.

Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!

‘Status’ nina Herbert at Ruffa walang label: Uso pa ba yun? Basta it’s a mature relationship

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruffa happy sa ‘renewed friendship’ kay Gretchen; dyowa nga ba talaga si Herbert?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending