Robin 2 pirasong abokado at saging ang almusal araw-araw: 'Ayos na ho ‘yun, solb na solb na!' | Bandera

Robin 2 pirasong abokado at saging ang almusal araw-araw: ‘Ayos na ho ‘yun, solb na solb na!’

Reggee Bonoan |February 22,2023
facebook
share this

Robin 2 pirasong abokado at saging ang almusal araw-araw: ‘Ayos na ho ‘yun, solb na solb na!’

Reggee Bonoan - February 22, 2023 - 10:40 AM

Robin 2 pirasong abokado at saging ang almusal araw-araw: 'Ayos na ho ‘yun, solb na solb na!'

Mariel Rodriguez at Robin Padilla

DALAWANG pirasong abokado at dalawang latundang saging ang almusal sa araw-araw ni Sen. Robin Padilla base ito sa napanood naming live video niya nitong Martes ng umaga.
“Ito lang po ang kinakain natin sa umaga pagkaraan po ng dalawang minuto saging naman (sabay pakita ng green and yellow latundan).

“Kumakain po tayo ng dalawang pirasong abokado at dalawang pirasong saging, ayos na ho ‘yun, solb na solb na ho ‘yun. Tanghalian na ho ang susunod.

“Ako ho ay nag-live para bumati lang po sa inyo at magpasalamat po sa inyong mga suporta po sa akin kahit na napakadami pong isyu ngayon na ating kinahaharap, ito po ay ating hinaharap hindi po natin ito tinatakbuhan at wala po tayong tinatalikuran mga mahal kong kababayan,” kuwento pa ng aktor at politiko.

“Kung ano po ‘yung ipinangako noong ako ay nangampanya sa inyo, ‘yan po an gating ginagawa. Maaaring mabagal po dahil iyon po ang sistema ng ating gobyerno. Hindi ko na po papaliguy-liguyin pa, talagang napakabagal at ‘yan po ang gusto nating mabago inshallah,” pagtatapat ng first-termer senator.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)


Nabanggit din nitong natapos na sa komite ng saligang batas ang mga nasa mababang kapulungan o kongreso.

“Kami po dito, e, wala pa sa senado doon po sa ating ipinayl na resolusyon para po ma-rebisa o magkaroon po ng konting pagbabago sa ating saligang batas,” saad ni Robin.

Samantala, nabasa namin sa comments section ang pagbati ng asawa ng senador na si Mariel Rodriguez-Padilla sa oras na 5:57 a.m., “Good morning Babe.” At marami ring bumating netizens sa ina nina Isabella at Gabriela ng “good morning at God bless you always.”

Nagsabi rin si Mariel ng, “I love you.” At iba pang nabasa namin ay, “nahatid ko na si Isabella.” Marahil sa school ang sinasabi ng wifey ni senator Robin na naihatid na ang panganay nila.

NI-repost ng magiting na senador ang bagong pictorial ng asawa na maraming pumansin dahil pumayat na ito.

Tumanggap kasi ng award si Mrs. Padilla bilang Outstanding Entrepreneur of the Year bilang successful siya sa kanyang live online selling ng luxury items at ang Cooking Ina Food Market.

Going back to Sen. Robin ay ni-repost niya sa kanyang FB page official ang post ni Sen. Bong na pinasalamatan siya sa panukala nitong Senate Resolution No. 488 na nagtatanggol kay former President Rodrigo Duterte mula sa imbestigasyon o prosekusyon ng International Criminal Court

Aniya, willing siyang maging co-author ng nasabing resolusyon at ang link para sa kabuuan ng pahayag ni Go.

Vice kay Vhong: Hinding-hindi ka namin nakakalimutan, araw-araw nagdadasal kami para sa ‘yo

Zeinab Harake araw-araw umiiyak nang maghiwalay sila ni Skusta Clee, mensahe sa sarili: Huwag ka nang magpapaabuso

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heart sa mga nagsasabing sad ang buhay niya: ‘Dear, mabigat lang ‘yung lashes ko…ano bang gusto n’yo umiyak ako ng dugo?!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending