Cristy Fermin ‘naumay’ sa pag-amin nina AJ at Aljur, sinigurong havey na rin ng anak: Tataya kami rito…meron! | Bandera

Cristy Fermin ‘naumay’ sa pag-amin nina AJ at Aljur, sinigurong havey na rin ng anak: Tataya kami rito…meron!

Pauline del Rosario |February 19,2023
facebook
share this

Cristy Fermin ‘naumay’ sa pag-amin nina AJ at Aljur, sinigurong havey na rin ng anak: Tataya kami rito…meron!

Pauline del Rosario - February 19, 2023 - 04:06 PM
Cristy Fermin ‘naumay’ sa pag-amin nina AJ at Aljur, sinigurong havey na rin ng anak: Tataya kami rito…meron!

HINDI na ikinagulat ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin ang pag-amin ng celebrity couple na sina AJ Raval at Aljur Abrenica tungkol sa tunay nilang relasyon.

Kung maaalala, naglantad ang dalawa kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day sa pamamagitan ng Instagram post.

Sinabi pa nga ni Tita Cristy sa kanyang latest YouTube vlog na “Showbiz Now Na!” ay dapat hindi na pinapatagal ang pag-amin dahil hindi na ito ikakagulat ng maraming tao.

“Ilang buwan na po ba tayong nagsasabi na umamin na kasi kayo dahil puro kayo deny,” sey ng kolumnista.

“Kapag ganyan, deny nang deny ang personalidad, kapag lumantad kayo at nagsabing kayo na, wala na pong magugulat…naumay na,” aniya.

Nabanggit din ni Tita Cristy na hindi na tungkol sa relasyon ng dalawa ang inaaabangang balita ng madlang pipol, kundi ang kumpirmasyong mayroon nang anak ang celebrity couple.

Gayunpaman ay hindi na rin daw ito magiging sorpresa sa marami dahil matagal na itong napag-uusapan.

“Kung nanggugulat po kayo ng publiko AJ at AJ, wala nang magugulat at kung gusto niyo naman kaming biglain para sa pag-amin ninyo na mayroon na kayong anak, wala na rin ‘yung pagkabigla kasi open secret na ‘yan, matagal na ‘yang pinag-uusapan,” mensahe ni Tita Cristy sa dalawa.

Patuloy niya, “Ngayon, ang tanong nalang, kailan kayo magdedesisyon na magsabi at umamin na tunay na tunay na mayroon na kayong anak.”

Iginiit nila Tita Cristy na sigurado silang may anak na ang dalawa at paninindigan nila ito.

“kumpleto na nga ng detalye e…oo naman, tataya kami dito. MERON!,” saad ng kolumnista sa vlog.

Sa huli ay nagbigay pa ng payo si Tita Cristy sa mga artista na iwasan na ang pagde-deny at pagsisinungaling sa publiko.

“Isa lang po ang napakalinaw dito na senaryo, huwag mag-deny, huwag nagde-deny at huwag papaniwalain ang publiko na wala kayong relasyon kung totoong meron naman,” sabi ng kolumnista.

Related chika:

Miel nainsulto sa komento ng netizen: The fact that you’re wishing that my coming out is fake news is insanely offensive to me

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris nanahimik dahil may pasabog sa pagbabalik: Kaya kong magpaligaya ng tao most especially NOW!

AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending