Kris nanahimik dahil may pasabog sa pagbabalik: Kaya kong magpaligaya ng tao most especially NOW! | Bandera

Kris nanahimik dahil may pasabog sa pagbabalik: Kaya kong magpaligaya ng tao most especially NOW!

Reggee Bonoan - August 02, 2021 - 11:27 AM

Kokoy de Santos, Elijah Canlas at Kris Aquino

TINULDUKAN na ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang haka-hakang tatakbo siyang senador sa 2022 national elections.

Sinagot ng TV host-actress ang isang netizen na nagsabing gusto nilang makita ang isang Kris Aquino sa Senate.

Sagot ni Kris, “No, not yet. But see you sa 8/8.”

Ano kayang meron sa Agosto 8?  Siya na nga ba ang papalit kay Willie Revillame bilang host ng “Wowowin” sa GMA? May nabanggit din kasi ang TV host na may mahalaga siyang iaanunsyo ngayong Agosto.

O, baka naman magiging co-host siya ni Willie para sa malaking selebrasyon ng isang online shopping app sa Agosto 8?

Sa thread ng 40th day ng pagkamatay ni dating Presidente Noynoy Aquino na ipinost ni Kris sa kanyang Facebook page namin nabasa ang mga magagandang tribute ng netizens para kay P-Noy.

Ayon kay @Luzviminda Minel , “Yes indeed Kris! we owe so much to the Aquino family from Senator Ninoy, President Cory and President Pnoy the democracy that your father fought and died for! From President Cory and Pnoy who gave us good governance with decency, honesty, loyalty and integrity!”

Sagot ni Kris, “Wrong — kami ang may utang na loob sa inyo because nakita nyo ang totoong laman ng puso namin and kahit sinubukan siraan at baguhin ang kasaysayan- nilaban nyo kami, ang binigay ng mom & dad ko at ang mga na achieve ng kuya ko. Ano ang mahihingi namin? Kaya THANK YOU for believing in them and fighting for them because you made everything worth it!”

Say naman ni @ Lourdes Najera Tolentino, “Happy 12th yr in Heaven madam Cory and 40th day president Noy keep strong miss Krissy (big heart emoji).”

Ang reply ni Kris, “Lourdes Najera Tolentino that’s why nanahimik kasi alam I needed time babalik na, a week from today. Because it’s what would make my mom happy, she raised me to be strong- and my sons need the reassurance na kaya kong magpaligaya ng tao most especially NOW.”

Nagustuhan naman ng bunsong kapatid ni P-Noy ang sinabi ni @ Anche Dino Dayrit, “Thank you Kris and to your family having 3 great heroes Senator & 2 Presidents. ever best Presidents of the Philippines.”

“I love your comment, @Anche Dino Dayrit.”

Going back sa sinasabing kakandidato si Kris sa 2022, hayan maliwanag “not yet” ang tugon niya. Meaning, may plano pa rin siyang sumabak sa politika.

* * *

Sa ginanap na virtual mediacon ng “Gameboys” pagkatapos ng screening nitong Hulyo 30 ay inamin ng sumulat ng script na si Ash Malanum na ‘yung karakter ni Tita Susan na ginampanan ng beteranang aktres na si Angie Castrence ay hango sa totoong buhay.

Si Tita Susan ay tiyahin ni Kokoy de Santos bilang si Gavreel sa pelikula at hindi siya pabor sa relasyon ng pamangkin niya kay Elijah Canlas as Cairo.

Nagkasagutan sina Gavreel at tita Susan niya dahil ipinagpipilitan ng una na masaya siya sa pagkatao niya at mahal din niya ang boyfriend niyang si Cairo bagay na nakapagsalita ng hindi maganda ang tiyahin at sinabihan silang makasalanan na hindi gusto ng Diyos ang mga katulad nila.

Nangyayari naman talaga ito sa totoong buhay na may miyembro ng pamilya na hindi matanggap na may LGBTQIA+ sa kanila.

Anyway, kuwento ng writer na si Ash ay inspired si tita Susan bilang si Aling Susan na nag-viral sa social media ang video na minumura at binato niya ang LGBTQ member na naglalakad sa kalye at inere ito sa “24 Oras” noong Nobyembre, 2020.

“Hindi ko alam kung naaalala n’yo ‘yung nag-trend before na si Aling Susan, na ‘yung binabato niya ‘yung transgender na dumadaan sa kalye nila na wala namang ginagawa sa kanya.

“For some reason, parang sobrang na-trigger ako doon tapos sakto nu’ng sinusulat ko ‘yung episode na ‘yun, for some reason na-trigger ako kasi wala ka namang ginagawa.

“Siguro ‘yun ‘yung nag-inspire sa akin na ilagay si Tita Susan sa ‘Gameboys’,” kuwento ni Ash.

Ang transgender na binato at minura ni Aling Susan noon ay nangangalang Alexis Hart Garcia na kumuha ng video habang nagwawala ang ale.

Kuwento ni Alexis sa panayam sa kanya, “Masakit kasi Diyos ba siya para sabihan ako ng ganon? Tapos ipamumukha pa talaga sayo na bakla ka? Oo, at alam ko na ‘yun. Pero sa harap ng maraming tao?”

Anyway, galing na galing sina Kokoy at Elijah kay tita Susan nila sa “Gameboys” at talagang pinaghandaan nila ang eksena nila dahil nakakahiya raw pag nagkamali sila at in fairness, ang husay nilang tatlo sa napakahabang debate.

Sabay sabi ng magka-loveteam na Gavreel at Cairo, “Hindi lang siya magaling na aktres, magaling ding magluto, ang sasarap ng mga pagkain namin sa set dahil kay tita Angie (tita Susan).”

Mahalaga ang karakter ni Adrianna So sa pelikula dahil siya ang ex-girlfriend ni Gavreel na hinanap ni tita Susan, kasama rin sina Kyle Velino, Miggy Jimenez, at Kych Minemoto na pawang mga baguhan pero aang huhusay umarte.

Samantala, hindi lang sa KTX,ph at Ticket2Me mapapanood ang Gameboys dahil mapapanood din pala ito sa Japan dahil katuwang ng IdeaFirst Company at Octobertrain Films ang Japan-based companies na 108JAPAN Co., Ltd.; Aeon Entertainment Co., Ltd.; at Hakuhodo DY music & pictures Inc.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa IdeaFirst director/producer na si Perci Intalan, “Baka end of the year pa ang theatrical distribution ng Gameboys: The Movie sa Japan. Matagal ang preparation nila sa releases nila, e.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending