Darryl Yap inalmahan ang TV show na nag-imbita sa kanya: ‘Huwag po tayong magsinungaling…I did not decline, I want a fair guesting’
HINDI pinalampas ni Darryl Yap ang naging pahayag umano ng “The Chiefs” nina Ed Lingao at Luchi Cruz-Valdes tungkol sa guesting sana niya sa naturang programa.
Nilinaw ng controversial director ang lumabas na balita na kaya hindi natuloy ang pagge-guest niya sa show nina Luchi at Ed ay dahil tinanggihan daw niya ito.
Nais sanang ma-interview ng programa si Darryl para sa pelikula nitong “Martyr or Murderer”, ang part 2 ng movie niyang “Maid In Malacañang” mula sa Viva Films.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ibinahagi ni Darryl kahapon ang screenshot ng natanggap niyang direct message sa chat kung saan ini-invite nga siyang mag-guest sa programa nina Ed at Luchi.
At hindi nga ito natuloy base sa pahayag ng “The Chiefs” dahil nga tumanggi ang direktor. Pero itinanggi ito ni Darryl.
“I DID NOT DECLINE, I WANT A FAIR GUESTING,” ang simulang paglilinaw ng direktor sa kanyang FB post.
“Ano’ng kaCHIEFan ito The Chiefs Cignal TV Cignal Entertainment ONE News,” matapang na sabi pa ni Darryl.
Nabanggit din niya ang pangalan ng actor-director na si Vince Tañada na naimbitahan din sa “The Chiefs” pero naka-live siya sa studio. Si Vince ang direktor ng “Ako si Ninoy” na tumatalakay sa ilang kaganapan sa buhay ng dating senador na si Ninoy Aquino.
“Sa inyo po, Sir Ed Lingao, Mam Luchi Cruz Valdes…
“First Picture
1. Bakit po pangalan ko pa rin ang inilalabas at pinag-uusapan nyo kahit hindi naman pelikula namin ang pinopromote? Bakit ako po ang topic? pero hindi ko naman pagmumukha ang nasa screen? Bakit po Ako?
“Second and Third Pictures
2. Bakit po sinasabi nyo na ‘NAGDECLINE AKO’
hindi po ako nagdecline—
PUMAYAG PO AKO kung gaya nitong inimbitahan nyo ay LIVE, kung LIVE po ako, harap-harapan.
“Ang imbitasyon nyo po ay taped as LIVE, alam ko pong pwede nyong sabihing wala namang ieedit—pero NAMIMISS KO NA PO KAYO KAHIT DI PA TAYO NAGKIKITA.
“Posible pa rin po kasing maedit,
AYAW KO PO NG GANON. Kayong mga host ay nasa studio, ako via ZOOM. Papuntahin nyo ko dyan, Wag ganito,” pahayag pa ng direktor.
Pagpapatuloy pa niya, “At ito namang direktor na inimbitahan n’yo (Atty. Vince), andaming verbal diarrhea, andaming sinabing sinabi ko raw, pinagpapapansin n’yo kasi.
“Huwag po tayong magsinungaling, I did not decline, I want a fair guesting,” paliwanag ni Direk Darryl.
Dagdag pa niyang hirit, “I am a supporter of a Marcos, but I am not a Marcos.
“I will not seek Divine Justice.
“Pumapalag ako sa abot ng aking makakaya,” ang sabi pa ng fillmmaker.
Samantala, mas naloka pa ang kanyang FB followers dahil sa ipinost niyang litrato kung saan makikita ang ginawa niyang “F.L.A.M.E.S.” sa mga pangalan nila nina Ed Lingao at Luchi Cruz-Valdes.
Habang sinusulat namin ang artikulong ito at wala pang inilalabas na reaksyom ang dalawang TV host at ang management ng “The Chiefs” ng One News.
Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng mga taong involved sa usaping ito.
Liza Soberano kabog ang first TV guesting sa South Korea
ALLTV hirap na hirap daw kumuha ng guest para sa show ni Toni Gonzaga, iniiwasan ng mga artista?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.