Ed Caluag, vlogger Bernie Batin, Willie Ong binigyan ng sariling show sa bagong digital network; pati mga OFW makikinabang | Bandera

Ed Caluag, vlogger Bernie Batin, Willie Ong binigyan ng sariling show sa bagong digital network; pati mga OFW makikinabang

Ervin Santiago - July 24, 2022 - 08:12 AM

SA lahat ng mga supporters at sumusubaybay sa paronormal investigator na si Ed Caluag at sa vlogger-comedian na si Bernie Batin, pwede n’yo na silang mapanood nang regular sa sarili nilang mga show.

Yes, dalawa lamang sila sa mga mabibigyan ng pagkakataon na bumida sa sarili nilang programa sa pagbubukas ng pinakabagong streaming app sa bansa, ang Juanetworx.

Inilunsad ito nitong nagdaang Huwebes, July 21, sa pamamagitan ng isang grand media launch na ginanap sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City.

Ang Juanetworx ay ang “first all-around entertainment and emergency app” sa Pilipinas na na-envision ng yumaong healing priest na si Fr. Fernando Suarez. Sa halagang P100 membership fee ay magkakaroon ka na ng access sa lahat ng kanilang content.

Kabilang na nga riyan ang sariling programa ng “masungit na tindera” na si Bernie Batin sa “The Sari-Sari Show” at ang “Mga Kuwento Sa Dilim” hosted by Ed Caluag.

Bukod dito, nandiyan din ang untold stories ni Fr. Suarez hosted by Boy Abunda, ang dokumentaryong “The Rey Valera Story: Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” at “Doc Willie Ong: Ang Inyong Lingkod.”

Ipalalabas din sa Juanetworx ang life story ni Lt. Col. Jhun Ibay, Jr. na pagbibidahan ni Aljur Abrenica, ang sex-drama na “Erotixa” nina Christian Bables at Ali Forbes at ang isa pang sexy-suspense na “Ang Huling Burlesk Queen”.

Sa mga mahihig namang magluto at lumafang, nandiyan si Chef Sheilla para sa “The Soulful Kitchen Diva” at ang inspirational-docu drama na “True To Life Stories” kung saan mapapanood ang  kuwento ng buhay ng indie actor na si Charles Delgado.

Ayon sa movie producer na si Edith Fider ng Saranggola Media na isa sa mga executives ng Juanetworx, “Ang pakiramdam ko ngayon, nagbabalik-tanaw ako sa aming pinagmulan.

“Ang mga matatalik kong kaibigan, si Joven Tan at si Gregorio Serrano. Nag-umpisa kami ng isang maliit na produksiyon sa tulong at gabay ni Fr. Fernando Suarez.

“Mula sa aming humble beginning ay ito kami ngayon, naglakas ng loob para magbukas ng isang digital network, ang Juanetworx.

“Mula po noong ginabayan kami ni Fr. Suarez, lahat po ng mga prophecies niya sa amin, nagkatotoo. Na-meet namin, nakasalamuha namin yung mga tamang tao para dalhin dito.

“Nakaagapay namin, nakasama namin lahat ng mga tamang nilalang at tamang mga experts para mabuo ang isang network para sa Pilipinas.

“Nakikita niyo naman, medyo may edad na ako. So, ito’y legacy na, pagbabalik-loob lang para sa mga naitulong sa akin at sa aming lahat. Ito ang Juanetworx.

“Kami pong mga nagsama-sama rito, hindi lang basta nagsama-sama. Kami po’y pinag-isa ng iisang layunin, ng iisang damdamin. Na kami’y makapaghatid ng saya at makatulong sa mga mamamayang Pilipino sa buong mundo,” dire-diretsong pahayag ni Edith Fider.

Aniya pa, “Ngayon lang magkakaroon ng isang entertainment hub na may kasamang helpline.

“Ang ibibigay namin sa mga tao ay hindi lamang kaligayahan, hindi lamang entertainment, kung hindi proteksiyon para sa bawa’t isa, lalo na yung wala rito sa bansa (mga OFW).

“Hindi ako nag-iisa rito siyempre. Marami akong kasama. Maraming tumulong sa akin para sa adhikaing ito.

“So, kaming tatlo na dati’y kakarampot, ngayon, e, marami na rito sa kumpanya. Maipagmamalaki ko na pare-pareho ang aming layunin. Iisa ang aming damdamin. Lahat kami, maka-Juan. Lahat kami, makabayan,” sey pa ng producer ng  “Yorme: The Isko Domagoso Story”, “Suarez: The Healing Priest” at “Ayuda Babes” na idinirek lahat ni Joven Tan.

Bukod sa mga nabanggit naming mga pelikula at documetary, magpapalabas din ang Juanetworx ng mga concert at K-drama.

Ilan sa mga celebrities na dumalo sa media launch ng pinakabagong streaming app sa bansa ay sina Al Tantay, OWWA Undersecretary Arnell Ignacio,Manila Vice Mayor Yul Servo, Lou Veloso, Joaquin Domagoso, Ali Forbes, Liz Alindogan, Direk Armando Reyes, at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/311025/alexa-kay-kd-siguro-ibinigay-talaga-ako-sa-yo-ni-lord-baka-talagang-pinaglapit-niya-tayo

https://bandera.inquirer.net/316567/totoo-nga-ang-tsismis-nakaka-tense-nakakaloka-at-ang-saya-sayang-sumali-sa-family-feud

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/307335/angelica-magiging-nanay-na-raw-buntis-na-sa-panganay-nila-ng-non-showbiz-dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending