Ed Caluag artistahin ang dyowa, una raw nakita sa panaginip

Ed Caluag artistahin ang dyowa, una raw niyang nakita sa panaginip

Ervin Santiago - November 01, 2024 - 03:33 PM

Ed Caluag artistahin ang dyowa, una raw niyang nakita sa panaginip

NAPA-WOW at napa-sana all na lang ang mga manonood nang ipakilala ng paranormal expert na si Ed Caluag ang artistahin at mala-dyosa niyang partner.

Nakilala si Ed bilang imbestigador ng mga kababalaghan at paranormal activities, partikular na sa Kapuso magazine show na “Kapuso Mo Jessica Soho”.

Sa pilot episode ng latest cooking-talk show ng GTV, ang “Lutong Bahay” kahapon, October 31, ginulat ni Ed Caluag ang publiko nang i-flex niya ang kanyang dyowa.

Si Ed ang special guest ni Mikee sa show at sa isang bahagi nga ng unang paandar ng programa ay ipinakilala ng paranormal expert ang kanyang girlfriend na si Mira Belle.

Six years nang magkarelasyon sina Ed at Mira and going strong pa rin daw ang kanilang pagsasama.

Baka Bet Mo: Ed Sheeran nag-enjoy mag-karaoke, sey niya sa Ben&Ben: Bloody brilliant!

Sinabi ni Ed na si Mira ang babae na kaniyang napapanaginipan mula pa ng kaniyang pagkabata. Mismong si Mira ang nagsabi na napakasaya ng pagsasama nila ni Ed.

Kuwento ni Ed, napapanaginipan na raw niya ang itsura ni Mira mula pa noong kanyang kabataan kaya naman nang makilala niya ito ay talagang na-shock siya.

“Nu’ng bata pa ko, high school, college, meron akong recurring dream, paulit-ulit lang. Blurred yung mukhang pero kita mo yung buhok, yung body build. Siya yun,” pahayag ni Ed.

“Paano po ba maglambing ang isang Ed Caluag,” ang tanong naman ni Mikee kay Mira. Si Ed ang agad na sumagot, “Nagpapatimpla ako ng kape,” na sinang-ayunan  naman ni Mira.

Narito ang mga nabasa naming reaksyon ng mga netizens sa “Lutong Bahay” official Facebook page.

“Kakahanap ng engkanto, nakakuha ng maladyosang nilalang. Congrats po! ganda nya kaya.”

“Boom panes hahaha, lakas ni Sir Ed.”

“Kakahanap nya yan ng spirit HAHAHAHAHA baka diwata yan.”

“Makapangyarihan ka talaga ed.”

“Foreign women that are already wealthy and want a simple living could stay in a relationship if men are kind hearted.”

“Ang ganda ng kaluluwang nahuli ni Ed”

“Kakahanap ng engkanto, nakakuha ng maladyosang nilalang.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Isang maganda at isang mabait.”

“Yun mga nag comment ng di maganda yan yun mga inggit lang kay Ed kasi sya meron sya long relationship. Sana mas tumagal pa kayo kasi di naman alam ng mga naiinggit jan kung ano klase ka tao jan sa GF mo kaya ka nya nagustuhan. Pray lang and wag nyo intindihin mga nega sa life nyo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending