ALLTV hirap na hirap daw kumuha ng guest para sa show ni Toni Gonzaga, iniiwasan ng mga artista?
TRULILI ba na hirap na hirap ang mga programa sa ALLTV na mag-imbita ng kanilang mga guests?
Bago pa ito napag-usapan sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nina Nanay Cristy at Romel Chika kasama si Wendell Alvarez ay may nagkuwento na sa amin na nahihirapan nga raw maghanap ng ige-guest sa programa ni Toni Gozaga-Soriano ang management ng ALLTV.
Ang tsika sa amin ng aming source, “Ang sabi sa akin nu’ng kaibigan ko sa ALLTV kapag hindi pa binabanggit ang show ni Toni, okay pa, pero nu’ng sinabing sa Toni talk show, biglang hindi pala puwede o kaya may conflict. Ang daming katwiran na.”
Napanood naman namin sa “SNN” ang nabanggit na chika na, “Uy mayroon akong tsika na totoo ban a si Toni Gonzaga ay hirap na hirap sa pagkuha ng guest sa AMS2? HIrap na hirap daw. Kasi raw ‘yung mga iniimbita ay kalaban niya sa mundo ng politika.”
“Nandoon pa rin ‘nay kahit ilang buwan na ang lumipas nandoon at nandoon pa rin talaga,” say naman ni Romel Chika.
Sa pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “Ako, heto ah. Obserbasyon ko ito. Siyempre alam mo naman ang nangyayari at nanonood tayo. Parang maling sigaw ‘yung AMS ‘no? Parang hindi ito ‘yung panahon na pumasok sila sa mundo ng network?”
“E, nakapagsimula kaagad sila ng hindi muna tinest kung anong nangyayari,” sambit ni Romel Chika.
Hirit ulit ni ‘Nay Cristy, “Kahit si Willie (Revillame) napansin mo si Willie hindi na napag-uusapan, hindi man lang nagiging sentro ng mga kuwentuhan.”
“Parang natandaan ko naman ‘yung sinabi ni Senator Manny Villar na bago niya inano (itinayo) ang AMS na ‘yun ay sinabi niya na, ‘we will start from scratch,'” pagbabahagi naman ni Wendell.
“Totoo naman kasi wala silang alam sa network. Bago lamang sila sa negosyong ito pero parang ang hirap nilang hilahing pataasm parang hirap,” say ni Nanay Cristy.
Marami pang nabanggit tungkol sa AMS2 ang “SNN” hosts at mas maganda kung panoorin na lang ito sa YouTube channel.
‘Kapag marunong kang pumuna, dapat marunong kang tumanggap ng puna’ — Ogie Diaz
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.