Diego nilinaw ang estado ng relasyon ng mga magulang na sina Cesar at Teresa: Hindi naman sila magkaaway | Bandera

Diego nilinaw ang estado ng relasyon ng mga magulang na sina Cesar at Teresa: Hindi naman sila magkaaway

Ervin Santiago |February 16,2023
facebook
share this

Diego nilinaw ang estado ng relasyon ng mga magulang na sina Cesar at Teresa: Hindi naman sila magkaaway

Ervin Santiago - February 16, 2023 - 07:11 AM

Diego nilinaw ang estado ng relasyon ng mga magulang na sina Cesar at Teresa: Hindi naman sila magkaaway

Diego Loyzaga, Teresa Loyzaga at Cesar Montano

NILINAW ni Diego Loyzaga ang naging pahayag ng kanyang inang si Teresa Loyzaga na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila “okay” ni Cesar Montano.

Ayon sa hunk actor, hindi naman magkaaway ang kanyang mga magulang at mukhang na-misinterpret lang ng publiko ang sinabi ni Teresa kamakailan.

“It’s not that they are not okay, let me elaborate. My dad, even with Tita Shine (Sunshine Cruz, ex-wife ni Cesar) nu’ng beginning wala siyang gaanong nasasabi, kasi alam mo na may ilangan yun, e. Nahihiya sila sa isa’t isa,” simulang paliwanag ni Diego sa isang interview.

Taong 2013 nang maghiwalay sina Sunshine at Cesar at naging kontrobersyal pa ito nang magkaroon sila ng legal battle.

Pero last year nga ay naging maayos na ang kanilang relasyon kaya tuwang-tuwa ang tatlong anak nilang sina Angelina, Samantha at Franchesca.

Sama-sama silang nag-celebrate ng New Year sa Bohol kasama ang bagong partner ni Cesar at ang kanilang mga anak. Nakasama rin nila doon si Diego.

Sey ng aktor, naghihintay lang sila ng tamang panahon para si Teresa naman ang makasama sa kanilang family bonding.

“It just happened nu’ng Bohol, my dad, both of them (Cesar and Sunshine) were there, nag-invite na si Papa na magsama. Although prior to that, nagsama na naman talaga sila. But, like, what can they talk about, di ba?

“In my mom’s case din, ganu’n din. Si Mama din nandiyan nu’ng MIM (Maid In Malacañang). Nandu’n si Mama, nandu’n si Papa, same table silang dalawa, hi, hello lang sila,” ani Diego sa mediacon ng pelikulang “Martyr or Murderer” ng Viva Films.

Pagpapatuloy pa niya, “I can only try and put myself in their shoes. To parents who watch this, I don’t know kung mayroon kayong ganu’ng situation in life.

“It’s difficult na may anak kayo tapos you’re separated. What small talks can you make with your ex-lover or ex-partner?

“It’s not that they are not okay, it’s just that ano ang mapag-uusapan nila? Ang ganda ng panahon natin ngayon, ‘no? Parang ganu’n na lang. Awkward yun, e,” sey pa ng aktor.

“For me, kung saan sila masaya. I mean, kung happy sila na magkaaway, e, di happy ako na magkaaway sila.

“Kung happy sila na magkaibigan, e, di happy ako na magkaibigan sila. All I want is both of them are happy, and I see my dad is happy, I see my mom is happy.

“She’s happy with what I am doing, my dad is happy with what I am doing, I couldn’t ask for more,” aniya pa.

Nanay ni Diego nag-react sa mga tsismis kay AJ: May anak o wala, she’s a woman…ako po nanganak, naging single mom

Mayor Isko binatikos ang pagkandidato ni VP Leni; Mariel nilinaw na ‘di kapangyarihan ang dahilan ng pagtakbo ni Robin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cesar Montano senior citizen na, super happy nang makumpleto ang anak sa 60th birthday party

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending