Jennica Garcia, Alwyn Uytingco bigong maayos ang relasyon: 'Hindi na po talaga kami mag-asawa' | Bandera

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco bigong maayos ang relasyon: ‘Hindi na po talaga kami mag-asawa’

Ervin Santiago |February 08,2023
facebook
share this

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco bigong maayos ang relasyon: ‘Hindi na po talaga kami mag-asawa’

Ervin Santiago - February 08, 2023 - 07:17 AM

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco bigong maayos ang relasyon: 'Hindi na po talaga kami mag-asawa'

Alwyn Uytingco at Jennica Garcia

TINULDUKAN na ng Kapamilya actress na si Jennica Garcia ang isyu tungkol sa relasyon nila ng kanyang mister na si Alwyn Uytingco.

Diretsahan nang in-announce ni Jennica na hindi na sila mag-asawa ni Alwyn. Sa katunayan, dalawang taon na raw silang hiwalay ngayon ng tatay ng kanyang mga anak.

Ibig sabihin, hindi na talaga nila na-save nina Alwyn at Jennica ang kanilang married life makalipas ang mahigit anim na taong pagsasama bilang mag-asawa.

Na-interview ni DJ Jhai Ho para sa “Hotspot” last February 2, at dito nga nabanggit ng aktres, na napapanood ngayon sa Kapamilya series na “Dirty Linen”, ang tunay estado ng relasyon nila ni Alwyn.

Sabi ni Jennica, two years silang hiwalay ni Alwyn, at nasa pangangalaga niya ang dalawa nilang anak na sina Mori at Alessi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica 🦋 (@jennicagarciaph)


“Hindi naman to sa kung ano and since ikaw (Jhai Ho) naman yan, wala din naman kasi akong ibang masasagot kasi talaga regarding sa past relationship ko, marriage ko in the past.

“Yun lang din talaga. I don’t think darating yung araw na magiging bukas ako sa isang open interview para pag-usapan kung bakit ito natapos, kung ano ang nangyari.

“Out of my respect na rin kay Alwyn and his family, more importantly siyempre, yung parents niya,” pahayag ng aktres.

“Ayaw ko kasing dumating sa punto na hindi ako makakatingin kina Mama Liza, yung mommy ni Alwyn.

“Ayaw kong dumating yung araw na hindi ako makakatingin sa mata niya dahil may nasabi ako na hindi maganda patungkol sa anak niya.

“Dahil natapos man yung marriage namin, hindi naman sila kasama doon. Kumbaga, in my mind, they will always be family. It’s just that, hindi na kami mag-asawa ni Alwyn,” paliwanag pa niya.

Hangga’t maaari raw ay ayaw na raw niyang pag-usapan si Alwyn sa publiko, “Ngayon ko lang sinabi to kasi usually hindi talaga ako nagbanggit ng name niya, kasi medyo kinakabahan ako, no, kapag tinatanong siya sa akin.

“Pero gusto ko na ring i-take ang opportunity na to na comfortable ako kasi ikaw yung kausap ko. Yun na po talaga yun. Wala na po talaga akong ibang maisasagot kung hindi, hindi na po talaga kami mag-asawa.

“And feeling ko, maraming nagugulat, pero matagal na po. Magdadalawang taon na po. Hindi siya bago. Oo. Nagkataon lang na hindi po kasi ako nagsasalita about it.

“Pero yun nga, para hindi na rin siya mapag-usapan ulit kasi gusto ko na rin talaga na moving forward, huwag na lang siyang pag-usapan pa.

“Kasi hindi na rin naman iisa ang buhay naming dalawa ngayon, since we’re no longer romantically linked to each other,” aniya pa.

Hindi naman nabanggit ni Jennica kung annulled na ang kasal nila ni Alwyn.

Sa isang panayam noong May 20, 2021, ipinahiwatig ni Jennica na hiwalay na sila ni Alwyn, “From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made.”

Matatandaang sinubukan ni Alwyn na ayusin ang relasyon nila ni Jennica at humingi pa ng kapatawaran sa mga nagawa niyang kasalanan sa asawa. Ngunit mukhang hindi nga siya nagtagumpay.

Ikinasal sina Alwyn at Jennica noong February, 2014 sa pamamagitan ng isang secret wedding.

Jennica Garcia hindi magbabago ang tingin sa pamilya ni Alwyn Uytingco kahit hiwalay na sila

Jennica umaming wasak ang puso; may open letter para sa 2 anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alwyn gumawa ng tula para sa 32nd birthday ni Jennica: Wala akong kapangyarihan para angkinin ka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending