Moira ilang beses niloko ng dating asawa kaya never nang makikipagbalikan? | Bandera

Moira ilang beses niloko ng dating asawa kaya never nang makikipagbalikan?

Reggee Bonoan |February 06,2023
facebook
share this

Moira ilang beses niloko ng dating asawa kaya never nang makikipagbalikan?

Reggee Bonoan - February 06, 2023 - 12:04 PM

TRULILI ba na kaya wala nang planong makipag-ayos ni Moira dela Torre sa estranged husband niyang si Jason Marvin ay dahil maraming beses na umano siyang niloko nito?

Base ito sa lyrics ng kinanta ni Moira sa mismong concert niya nitong Pebrero 3 na ginanap sa Araneta Coliseum na inuugnay nga sa paghihiwalay nila ni Jason kaya naman hiyawan ang mahigit 17,000 taong nanood.

Ipinost sa Twitter account na @asphyxiaa ang pagkanta ni Moira na ang lyrics ay, “You said you made a mistake but isn’t a mistake, only a mistake if it’s ONE TIME.

“But if it’s again and again sorry honey but I just gotta run for my life.  Wasted 5 years of my life.  Were they worth it all of your lies, oh why?

“You said you made a mistake and but there’s no one else to blame ‘cause you didn’t do it just ONE TIME, OR TWO TIMES, OR THREE TIMES, OR FIVE TIMES. BYE, BYE.”

Maririnig sa video ang nakabibinging hiyawan at tawanan ng mga nasa Araneta Coliseum na maging si Moira ay natatawa rin sa reaction ng tao.

At may isa pang Tagalog song na kinanta si Moira na nagsabi na siya ng g*go dahil ayaw pa siyang pakawalan.

Base sa lyrics ng kanta habang nagigitara siya, “Ang kapal ng mukha mo, wala nan gang tayo ba’t parang ‘di puwedeng lumaya?

“Wala naman akong kasalanan. ‘Wag kang parang gago kung magkaro’n man ako ng bago di ko kailangang magpaalam.  Sa ilang taong nangloko, nagpaalam ka ba?”

Na sinundan muli ng nakabibinging sigawan ng audience.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Jason o ng kampo nito tungkol sa sinabi ni Moira na limang beses siyang nag-cheat. Ano kaya ang reaskyon niya na nasayang daw ang limang taong ibinigay sa kanya ng Queen of Hugot songs.

Related chika:

Jeric Gonzales sumusumpang hindi niloko si Rabiya Mateo, pwede pang magkaroon ng ‘second chance’ ang relasyon

Moira nagsalita na ukol sa hiwalayan nila ni Jason: While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Moira ‘nagluluksa’ hindi lang dahil sa breakup nila ni Jason: Namatay din bestfriend ko, may cancer ‘yung driver ko, namatay ang tito ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending