Jeric Gonzales sumusumpang hindi niloko si Rabiya Mateo, pwede pang magkaroon ng 'second chance' ang relasyon | Bandera

Jeric Gonzales sumusumpang hindi niloko si Rabiya Mateo, pwede pang magkaroon ng ‘second chance’ ang relasyon

Ervin Santiago |October 17,2022
facebook
share this

Jeric Gonzales sumusumpang hindi niloko si Rabiya Mateo, pwede pang magkaroon ng ‘second chance’ ang relasyon

Ervin Santiago - October 17, 2022 - 09:52 AM

Jeric Gonzales sumusumpang hindi niloko si Rabiya Mateo, pwedeng magkaroon ng 'second chance' ang relasyon

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo

SUMUSUMPA ang Kapuso hunk actor na si Jeric Gonzales na hindi niya niloko o ipinagpalit sa ibang babae ang ex-girlfriend niyang si Rabiya Mateo.

Muling ipinagdiinan ng binata na walang third party involved sa breakup nila ng aktres at dating beauty queen tulad ng ipinipilit ng ilang netizens.

Maayos din daw ang relasyon nila ngayon ni Rabiya bilang magkaibigan kaya hinihiling ni Jeric na sana’y tigilan na ang pang-iintriga sa kanila ng dating karelasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


Kamakailan ay pinag-usapan ng mga Marites ang guesting ni Jeric  sa “TiktoClock” kung saan isa sa hosts si Rabiya Mateo. Talagang nagin trending topic pa ito sa Twitter patunay na marami pa rin ang sumusuporta sa kanila.

Kuwento ni Jeric sa isang panayam, bago ang guesting nila ng kanyang co-star sa Kapuso series na “Start-Up PH” na si Yasmien Kurdi ay matagal na silang hindi nagkikita ni Rabiya simula nang mag-break sila.

“Napapayag po ako (na mag-guest) kasi kailangang gawin para sa Start-Up PH, kailangang mag-promote. Busy si Alden (Richards) at si Bea (Alonzo), kami ni Yasmien yung available that day.

“Hindi ko inisip agad na nandu’n si Rabiya. Pero at the back of my mind, siyempre kinakabahan ako na kung paano kami magmi-meet, baka maging awkward.

“Pero nu’ng nandu’n naman na, in fairness naman kay Rab game na game siya and ako din naman. So nu’ng kinausap kami ng production kung ano’ng gagawin, so sabi namin kaya naman namin,” kuwento ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)


In fairness, ang daming kinilig nang tuksuhin na sila ng mga kasama sa show lalo na ng kapwa host niya na sina Pokwang at Kim Atienza. Pinag-holding hands pa sila sa mga games ng programa hanggang mauwi na sa yakapan.

Sa tanong kung paano siya winelkan ni Rabiya nang dumating siya sa studio ng programa, “Nagbeso. Magaan naman parang wala naman kaming… actually we’re good friends talaga. We’re good friends and never naman kaming nag-close ng doors sa isa’t isa.

“Of course priority namin yung work, yung career, pero hindi namin nakakalimutan siyempre yung, of course, naging kami. And siyempre, may possibility pa rin na in the future, puwede pa (magkabalikan). May chance, may chance,” sey ni Jeric.

Nagsalita rin ang aktor kung ano ba talaga ang dahilan ng breakup nila ni Rabiya, “Ang pinaghiwalayan namin, siguro misunderstanding lang. Siguro yung priorities naming pareho sa work, sa career, sa life.

“Wala namang (third party). Kaya naghiwalay kami nang maayos and hindi kami bitter sa isa’t isa. Kaya pag nagkikita kami, hindi kami nag-iiwasan, hindi awkward,” aniya pa.

Jeric Gonzales nagbura ng mga pictures sa Instagram, hiwalay na kay Rabiya?

Jeric nag-propose muna kay Rabiya bago nanligaw; love story nagsimula sa ‘Wish Ko Lang’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jeric Gonzales in good terms pa rin kay Rabiya kahit hiwalay na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending