Pagpapalabas ng sex film na ‘Mang Kanor’ sa sinehan wala raw permit, MTRCB umalma
TINALAKAY sa programang “Cristy Ferminute” nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika ang ipinadalang sulat ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Cignal TV, Inc /One Ph para sa trailer ng pelikulang “Mang Kanor.”
Pati na rin ang pagpapalabas ng nasabing pelikula sa sinehan ng walang permit mula sa MTRCB.
Binasa ni ‘Nay Cristy ang liham, “MTRCB has summoned producers who allegedly publicly exhibited film Mang Kanor without authorization.
“Notices to appear were sent to A&Q Entertainment and Prime Stream, Inc and Uniprom Inc. which manages Gateway cinemas for showing the movie at Gateway Cineplex in Quezon City without the the required MTRCB permit to exhibit.”
Damay din ang Cignal TV One Ph dahil sa malaswang trailer, “Cignal TV’s One Ph was also sent a notice to appear for showing excerpts from the movie on the show ‘Huwag Po’ which featured torrid kissing, apparent nudity, threesomes, and sexual intercourse.”
“Ayan! Galing po ang pahayag na ito sa opisina ni Chairwoman Lala Sotto ng MTRCB at sa kanilang mga miyembro,” sabi ng veteran host at columnist.
Nagulat naman si ‘Nay Cristy na ipinalabas ang “Mang Kanor” movie sa Gateway Cineplex ng walang permiso ng MTRCB. Tanong ni Romel Chika kung paano nangyari at pinayagan ng management ng Gateway.
Kami rin ay nagtataka dahil ang alam namin ay isusumite ng producers ang permit mula sa MTRCB ng isang pelikula sa management ng mga sinehan kung saan ito magkakaroon ng screening.
Maging ang mga online TV series na may advance screening sa mga sinehan ay kailangan din ng permiso ng MTRCB, base ito sa tinanungan din namin noon ang executive ng isang production.
Hindi pa sakop ng nasabing ahensya ang mga pelikula o series na ipinalalabas sa online platforms o digital pero kung ipalalabas naman ito sa mga sinehan o tinatawag na theatrical for advance screening ay nangangailangan ito ng MTRCB permit.
Ganito rin ang paliwanag ni ‘Nay Cristy, “Katulad nu’ng sa Vivamax hindi pa yata sakop ng MTRCB ‘yung mg digital pero ipinalabas ito sa sinehan, itong Mang Kanor.
“Ibig sabihin may malaking sakop ang MTRCB dahil sinehan na ang pinag-uusapan dito publicly ipinalabas itong Mang Kanor ng walang authorization. Talagang kailangan nilang ipaliwanag ito!” aniya pa.
Dagdag pa, “At siyempre ang grupo ng Huwag Po na nakakatuwang panoorin dito sa Cignal TV One Ph na kailangan ding magpaliwanag dahil sa mga excerpts. Kailangan talagang sumunod tayo sa mga alituntunin ng MTRCB para hindi tayo nagkakaroon ng ganitong problema.”
3 direktor ng Viva hindi pabor na makialam ang MTRCB sa mga pelikula sa digital platforms
Pelikula ni kilalang aktor na-delay ang pagpapalabas, wasak daw kasi ang puso dahil sa babae
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.