Rez Cortez napapayag sumabak sa sex scenes sa edad na 66: Hindi naman nakakapagod kundi nakakadiri na!
SA edad niyang 66, napapayag pa ang veteran character actor na si Rez Cortez na gumawa ng love scenes sa bago niyang pelikula.
Sa halos limang dekada niya sa mundo ng showbiz ito ang unang pagkakataon na nabigyan siya ng pelikulang siya ang title role, ang “Mang Kanor.”
Isa ito sa mga pelikulang ibinandera sa grand launch ng bagong streaming app na AQ Prime Stream last Saturday, June 4, na ginanap sa Conrad Hotel sa Pasay City.
Kuwento ni Rez, ang “Mang Kanor” ay base sa viral video scandal ng isang senior citizen noong 2018.
“Mang Kanor is a very controversial character nu’ng mga 2018. And kahit na nga ganu’n si Mang Kanor, pero siya rin ay isang tao na nagsisi sa kanyang mga ginawa.
“At sana, kapulutan ng aral ng mga kabataang babae na huwag basta-basta magtitiwala sa isang katulad ni Mang Kanor,” chika ng veteran actor.
View this post on Instagram
Pero ayon kay Rez, wala siyang idea kung ibinase ang buong pelikula sa life story ng lolong nasa viral scandal, “Hindi ko lang alam kung kinuha nila yung rights nu’ng original na Mang Kanor.
“Parang yung pangalang Mang Kanor ay naging generic. Wala namang particular person na pinatutungkulan dito sa movie na ginawa namin.
“Yung Mang Kanor dito sa movie, nademanda pero nakulong siya on a different case. Pero hindi siya nakulong dahil du’n sa mga nag-viral na mga sex video. Dahil hindi naman napatunayan na si Mang Kanor ang nag-upload noon.
“Dahil nawala ang cellphone, at may ibang nag-upload kaya nag-viral yung mga video,” paliwanag ng aktor.
Kuwento pa ni Rez nang i-offer sa kanya ang movie, “Initially, siyempre, sabi ko nga, ‘Kontrabida na naman,’ di ba? Kontrabida pero hindi siya yung rapist na talagang animal or makahayup na karakter.
“Dahil si Mang Kanor ay tao rin. May pakiramdam, meron din siyang compassion. May pagmamahal. Pero yun na nga, baluktot.
“Kasi nga, ang sa kanya, tumutulong siya pero may kapalit. Ang sa kanya naman, nakakatulong siya, pero sa maling pamamaraan,” aniya pa.
At sa edad nga niyang 66, very proud pang sinabi ng beteranong aktor na kering-keri pa rin niyang sumabak sa mga love scenes.
“Kalabaw lang ang tumatanda. Hindi naman nakakapagod kundi nakakadiri na! Ha-hahaha! Pero ang binigyan naman ng focus, ang mga babae.
“Kasi, yung mga sexy, ganyan-ganyan. Kung merong breast exposure sila, e, si Mang Kanor, nag-breast exposure rin. Ha-hahahaha!” sabi pa ni Rez.
“Pero sabi ko nga, huwag na nating iano… alam mo na, i-suggest na lang natin na nakahubad siya. At hindi naman kailangang ipakita na nakahubad.
“At maa-achieve naman natin ang ating gustong ipakita sa audience na without showing na talagang hubad ka. Ang binigyan na lang ng ano, siyempre, yung mga babae na sexy,” paliwanag pa ni Rez Cortez.
Makakasama rin sa nasabing movie sina Via Veloso, Rob Sy, Nika Madrid, Seon Quintos, Emelyn Cruz, Via Veloso, Joni McNab at Rain Perez, sa direksyon ni Greg Colasito.
https://bandera.inquirer.net/291953/rez-cortez-sasailalim-sa-major-surgery-dahil-sa-problema-sa-liver-cai-cortez-humiling-ng-dasal
https://bandera.inquirer.net/287111/cai-cortez-sa-mga-laiterang-netizens-tanggap-kong-mataba-ako-at-sexy-rin-ako
https://bandera.inquirer.net/299418/cong-tv-viy-cortez-magkaka-baby-na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.