Pelikula ni kilalang aktor na-delay ang pagpapalabas, wasak daw kasi ang puso dahil sa babae | Bandera

Pelikula ni kilalang aktor na-delay ang pagpapalabas, wasak daw kasi ang puso dahil sa babae

Reggee Bonoan - January 05, 2022 - 08:42 AM

HOW true na kaya naka-hold ang showing ng pelikula ng isang aktor ay dahil may pinagdaraanan ito ngayon at ayaw muna niyang lumabas at magpakita sa publiko.

Nakiusap daw ang aktor sa kanyang producer na huwag munang ipalabas ang pelikula kung saan kasama niya ang isa ring kilalang aktres.

Abala ngayon sa maraming bagay-bagay ang female star na kasama ni aktor sa pelikula kaya keri lang din sa kanya na i-hold muna ang pagpapalabas ng pelikula nila sa streaming apps.

Hindi naman daw ito big deal sa nasabing aktres at mukhang naiintindihan din nito ang pinagdaraanan ni aktor kaya hindi isyu sa kanya kung ma-delay man ang pagpapalabas ng kanilang pelikula.

Going back sa actor, ang ikinatwiran nito sa producer ay umiiwas siyang baka matanong ng media kapag nag-presscon sila at hindi siya makakaiwas sa tanong lalo’t hindi pa siya showbiz sumagot.

Oo nga, kilala rin kasi ang aktor na ito sa pagiging totoo, hindi siya yung tipo ng artista na sanay nang magtago ng katotohanan na kahit buking na buking na ay nagagawa pa ring magdenay.

Mabuti na lang at mabait at maganda ang record ng aktor sa producer kaya pumayag ito sa kanyang request.

Dapat sana ay sa unang quarter ng 2022 ito mapapanood, pero dahil nga sa pinagdaraanan at sitwasyon ngayon ng leading man sa pelikula ay pinagbigyan siya.

Ang leading lady naman ni aktor sa pelikula ay bisi-bisihan din sa mga ginagawa niya sa buhay katuwang ang kanyang non-showbiz boyfriend kaya okay lang sa kanya anuman ang maging desisyon ng producer.

Anyway, kinulit namin ang aming source kung ano ang problema ng aktor, “Love life, e, alam mo na kapag love life ang isyu, mahirap. 

“Sa ibang tao kaya nilang dalhin yung mga ganyang personal ba issue sa buhay nila, e, itong si ____ (aktor) medyo nahihirapan, pero inaayos naman na niya,” katwiran pa ng kausap naming source.

Sana nga’y maka-move on agad si aktor sa kanyang pagkabigo sa pag-ibig at makapagtrabaho na uli at maipalabas na rin ang kanilang pelikula.

https://bandera.inquirer.net/281197/jennica-garcia-wasak-ang-puso-sa-pagpanaw-ng-lola-dahil-sa-covid

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/288713/angel-handa-nang-magka-baby-hindi-naman-basketball-team-mga-isa-o-dalawa-pwede-na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending