3 direktor ng Viva hindi pabor na makialam ang MTRCB sa mga pelikula sa digital platforms
Joel Lamangan, Yam Laranas at Darryl Yap
HINDI pabor na dumaan sa MTRCB ang mga pelikulang ipinalalabas sa digital platforms ang Viva directors na sina Darryl Yap, Yam Laranas at Joel Lamangan.
Nauna nang nagpahayag si Direk Joel tungkol dito nang makatsikahan siya ng media sa pelikulang “Silab” kung saan may mga matitinding love scenes.
Sabi ni Direk Joel, “Ang sarap gumawa ng pelikula ngayon dahil nagagawa mo ang gusto mo at hindi dadaan sa MTRCB.”
Pero kahit na walang censorship ay alam naman daw ni direk Joel kung hanggang saan ang puwede lang niyang ipakita at walang pornograpiya sa mga artista.
Para naman kay direk Darryl, “Sa palagay ko, dagdagan muna nila ng letter ‘yung MTRCB ng ‘D’ para may digital na. Kasi kung MTRCB, wala namang digital doon. So, kapag nadagdagan na nila ng D baka pupuwede po.
“Pero sa ngayon, kung movie and television pa lang, I don’t think kahit may TV casting ang Vivamax, it’s included in the scope of MTRCB,” dagdag pa niya.
Ang “69+1” movie ni direk Darryl ay may mga bulgar na salitang ginamit at love scenes na tatluhan, pero comedy naman daw ang atake kaya hindi malaswang panoorin.
Pati ang direktor ng pelikulang “Paraluman” na si Yam Laranas ay ay hindi rin pabor na makialam ang MTRCB, “No! Pero dapat may self regulation, dapat as a service to the viewing public. Streamers should be responsible too the viewers. Self-regulation, civic responsibility.”
Sabi namin sa kanya ay maraming hindi sumusunod pa rin lalo na kapag hindi nababantayan. Sagot sa amin ni direk Yam bago magsimula ang zoom mediacon ng “Paraluman”, “That’s the problem. Ako, as an artist, with respect to the MTRCB, ngayon lang ako nagkaroon ng mas maraming freedom.”
Anyway, mapapanood ang pelikulang “Paraluman” nina Jao Mapa at Rhen Escano sa Set. 24 sa Vivamax.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.