Rhen Escano sa beauty queens na nagpapa-'lipo': 'Why not?'

Rhen Escano sa beauty queens na nagpapa-‘lipo’: ‘Why not? Pera nila ‘yun!’

Regee Bonoan - February 03, 2025 - 09:25 AM

Rhen Escano sa beauty queens na nagpapa-'lipo': 'Why not? Pera nila 'yun!'

ANG pagpapakita ng skin sa harap ng kamera ay hindi problema sa aktres na si Rhen Escano as long as gagamitin ito sa tamang paraan.

Ibig sabihin ng Viva star ay kapag kailangan sa istorya sa gagawing pelikula na magpakita ng parte ng katawan ay go siya.

“May mga remake na ginagawa okay ako as long as makakatulong ito sa aspeto ng buhay ko, kung maganda ‘yung material at kung maganda ang sasabihin ng mga tao why not?” pangangatwiran nito nang makapanayam siya ng ilang miyembro ng media sa renewal ng contract niya sa CC6 Online Casino at FunBingo mula sa B’Vibes Entertainment Production, at JAF Digital Group ni Ms. Dhevy Sahagun.

Si Rhen ay kabilang sa talent ng Viva Artist Agency ni Ms. Veronique del Rosario-Corpus at ngayon ay napapanood siya sa seryeng “Lumuhod ka sa Lupa” kasama sina Kiko Estrada, Sarah Lahbati, Heaven Peralejo, Sid Lucero, Marco Gallo, Gardo Versoza, at iba pa na napapanood sa TV5.

Sa kasalukuyan ay walang sexy film na ginagawa si Rhen dahil abala siya sa serye at plano raw siyang bigyan ng horror movie na okay sa kanya, tsaka action din.

Baka Bet Mo: Rhen Escano pahinga muna sa paghuhubad at paggawa ng love scene: Mananakot muna ako ngayon!

Samantala, bilang sexy star nagsimula si Rhen sa Viva Films sa pelikulang “Adan “(2019) mula sa panulat ni Direk Yam Laranas at idinirek naman ni Roman Perez, Jr. ay hiningan si Rhen ng reaksyon tungkol sa mga artistang dumadaan sa enhancement at isa ang aktres na si Heart Evangelista na nagpadagdag ng boobs at ang mga beauty queens na sina Michelle Dee, Miss Universe Philippines 2023 Celeste Cortesi, at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

May ilang nagkomento kasi sa mga nabanggit tungkol sa kanilang pagpapagawa.

Mukhang busy nga si Rhen dahil wala siyang alam sa tatlong nabanggit pero humanga siya dahil umamin sila.

“Really?” tila nagulat na tanong ng aktres, sabay sabing “Honestly napakagagandang mga babae na ito at kung iyon ang way nila para masabi nila sa sarili nila na maganda sila, self-love, self-care at ‘yun ang way nila then (why not) pera niyo (bashers) ba ‘yun?  Katawan niyo ba ‘yun?  Kung doon sila masaya at hangga’t wala silang inaapakang tao at walang nasasaktan, out tayo diyan kung doon sila masaya.

“As long as nakakatulong na ma-build up ng confidence mo okay lang, very (vocal) na nga, eh. Makikita mo na lang sa TikTok ‘yung mga tao ng journey nila (before and after), walang masama, masama kung nagnakaw ka, nanapak ka ng ibang tao,” opinyon ni Rhen.

Dagdag pa, “Itong mga taong ‘to, gusto lang naman nila ng enhancement anong masama ro’n?  For me, go kung self-love at kung makaka-inspire ka, mabu-boost ‘yung confidence mo, why not? Go Girls, ang gaganda n’yo! (Catriona, Celeste, Michelle at Heart).  Ina-admire ko ‘tong mga babaeng ‘to hindi nila deserve ma-bash.”

Sa sarili ba ng aktres ay may nakikita siyang gusto rin niyang ipa-enhance?

“Honestly, kasi before ako mag-start sa Viva tinanong ako ng mga boss ko at nandoon si Tita Aster (Amoyo-co manager) kung ano ang gusto ko ipagawa at sinabi ko boobs po .

“Ang ending wala akong napagawa kasi ayaw nila (Viva bosses), weird!  Pero lagi ko naman sinasabi na open naman ako (for enhancement) ayaw pa.  Ang pina-enhance ko ay ‘tong ngipin ko, ginawa ng vinyl para ‘yung visual niya ay mapahaba ang mukha ko and ‘yung mga tao akala nila nagbago ang mukha ko,” kwento ni Rhen.

Anyway, speaking of CC6 Online Casino at FunBingo ay inamin ni Ms. Dhevy na isa sa dahilan kung bakit nila ni-renew si Rhen ay dahil gustong-gusto siya ng lahat ng mga pinupuntahan nilang lugar nationwide para maghatid ng tulong dahil personal na inaasikado ng aktres ang mga komunidad.

Rhen Escano sa beauty queens na nagpapa-'lipo': 'Why not? Pera nila 'yun!'

Nabanggit ding magiliw sa tao si Rhen na kahit nasa liblib na lugar sila na tipong aakyat ng bundok at tatawid ng ilog ay walang maririnig na reklamo sa aktres at higit sa lahat ay pinaghahandaan daw ito ng dalaga dahil naglalaan siya ng oras.

Ang ilan sa mga natulungang komunidad ng B’Vibes Entertainment Production, at JAF Digital Group ay ang mga sumusunod:

Namahagi ng mga grocery item at paninda sa mga biktima ng landslide at baha sa Davao del Norte at Marikina, na nagbibigay ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Nag-organisa ng feeding programs sa Makati, Cavite, at Manila para suportahan ang mga mahihirap na komunidad.

Natulungan ang mga katutubong Aetas na estudyante sa Bataan, na nag-aambag sa kanilang pag-aaral.

Nagsagawa ng tree planting activities sa Rizal, Antipolo para isulong ang pangangalaga sa kapaligiran.

Nakatulong sa libu-libong tricycle driver sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal at pagkain, pagkilala sa kanilang pagsusumikap sa paglilingkod sa ating mga komunidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinuportahan ang Balanga Lions Club sa kanilang medical mission para sa mga mag-aaral sa Bataan, kung saan nag-donate kami ng mga bisikleta, gamit sa paaralan, at mga feeding program para makatulong na mapabuti ang buhay ng mga kabataang estudyante.

Noong February 2 ay ipagdiriwang nito ang ika-5 anibersaryo ng CC6 at ika-7 anibersaryo ng FunBingo na ginanap sa Malate, Manila kung saan namahagi ulit sila ng tulong.

At bilang tanda ng pasasalamat ay namigay sila ng P77 billion mula sa CC6 at hanggang P27 billion mula sa FunBingo para gantimpalaan ang aming mga manlalaro at palawakin pa ang mga charity programs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending