Janine Gutierrez tinawag na ‘mommy’ si Dolly de Leon dahil sa ‘Dirty Linen’: ‘Im a fan forever! Gawa tayo ulit please?!’
NAKA-FAN girl mode na naman ang award-winning Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.
Ibinandera ng dalaga sa buong universe ang pagiging super fan ng internationally-acclaimed Filipina actress na si Dolly de Leon na nakatrabaho niya sa latest ABS-CBN series na “Dirty Linen.”
Nag-post si Janine ng mga litrato nila ni Dolly sa Instagram na kuha sa set ng ‘Dirty Linen” na nagsimulang umere sa Kapamilya Network noong January 23.
Bukod dito, ibinahagi rin niya ang isang episode teaser ng kanilang teleserye at ipinagsigawan nga sa kanyang caption na isa siya sa milyun-milyong Pinoy na humahanga sa kanyang galing bilang alagad ng sining.
“Mami ko!!!!!!! Igaganti kita. So happy to work with you Miss @dollyedeleon!!!!
View this post on Instagram
“I’m a fan 4ever and I will always treasure this little talk. Thank you thank youuuu. Gawa tayo ulit please??” ang mensahe ni Janine kay Dolly.
Pinasalamatan din niya ang lahat ng sumusubaybay sa “Dirty Linen”, “Sobrang nagpapasalamat kami sa lahat ng magandang feedback at excitement at Twitter trends! At memes. Haha Thank you guys and I sweaaar, umpisa palang ng suspense.”
Nitong mga nagdaang linggo, sunud-sunod ang pagtanggap ni Dolly ng international awards para sa pelikulang “Triangle of Sadness,” na unan nang nanalo sa Palme d’Or at the 75th Cannes Film Festival last year.
Na-nominate rin si Dolly sa best supporting actress category ng prestihiyosong 80th Golden Globe Awards.
Samantala, sinabi naman ni Janine na “napakatapang” ng Dreamscape sa pagpapalabas ng “Dirty Linen” kaya naman super proud talaga ang dalaga na nakasama siya sa cast nito.
“Mas naa-attract ako kapag merong paniniwala o may sinasabi etong script na eto na yun din yun paniniwala ko,” sabi ni Janine sa vlog ni Karen Davila.
“‘Dirty Linen’ at the core is about injustice na yung mga makapangyarihan palaging nakakalusot samantalang yung mahihirap, ang hirap na hirap makamit yung hustisya.
“And that’s a theme that’s very prevalent sa Pilipinas. Sobrang happy ako na ganun ang thema namin at ang tapang nu’ng show,” aniya pa.
Dugtong ng aktres, “May mga eksena na parang nagtataka kami, pwede ba itong ipalabas sa TV? Pero pwede daw. We’ll push the envelope kasi if not now, when?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.