Karen ipagdarasal ang patuloy na paglaban ni Dolly sa Hollywood, hindi man sang-ayon sa resulta ng Golden Globes, pero... | Bandera

Karen ipagdarasal ang patuloy na paglaban ni Dolly sa Hollywood, hindi man sang-ayon sa resulta ng Golden Globes, pero…

Ervin Santiago - January 12, 2023 - 09:14 AM

Karen ipagdarasal ang patuloy na paglaban ni Dolly sa Hollywood, hindi man sang-ayon sa resulta ng Golden Globes, pero...

Dolly de Leon at Karen Davila

HINDI lang ang mga kapwa niya artista ang proud na proud ngayon sa aktres na si Dolly de Leon sa natatanggap na pagkilala mula sa iba’t ibang international award-giving bodies.

Maging ang mga kilalang personalidad sa ibang larangan ay todo ang pagpapasalamat at pagpupugay kay Dolly dahil muli na naman niyang inukit ang mapa ng Pilipinas sa buong mundo.

Kabilang na nga riyan ang Kapamilya news anchor at broadcast journalist na si Karen Davila na grabe rin ang papuri kay Dolly.

Ito’y sa kabila ng pagkabigo ng aktres na maiuwi ang Best Supporting Actress award sa katatapos lamang na 80th Golden Globe Awards sa Los Angeles, USA, para sa kanyang pelikula na “Triangle of Sadness”.

Tinalo siya ng Hollywood star na si Angela Bassett, na gumanap na Sovereign Queen Mother of Wakanda sa “Black Panther: Wakanda Forever.”

“BRAVO @dollyedeleon You are and always a WINNER! I may not agree with the results of the @goldenglobes but that’s what the race is all about,” ang bahagi ng mensahe ni Karen na ibinahagi niya sa Facebook kahapon.

Para kay Karen, winner na winner pa rin si Dolly dahil siya ang kauna-unahang Filipina na nakakuha ng nominasyon sa Golden Globes.

“Dolly is a winner already. Being the first Filipina to be nominated for a Golden Globe, already winning the LA Film Critics Award and perhaps, an Oscar nomination soon.

“Dolly’s foot is in the door. She is now a major player. I pray Dolly you continue to fight it out in Hollywood, in the international arena – as your presence is an inspiration to ALL FILIPINO actors and actresses that want to make it on the world stage!

“Congratulations Dolly. We are proud of you!” pagpupugay pa ng news anchor ng ABS-CBN.

Dolly de Leon sa nakuhang nominasyon sa 80th Golden Globe Awards: Hindi ako sanay sa ganito, ang sarap!

Dolly de Leon pasabog ang role sa ‘Triangle of Sadness’, binigyan ng standing ovation sa opening ng 10th QCinema filmfest

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pang-world class yarn: 7 Pinoy celebs na kinilala sa iba’t ibang international filmfest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending