Bea Alonzo itinigil na ang paghahanap sa totoong ama: 'Hindi ko naman kailangan ng tatay kasi buo naman ako...' | Bandera

Bea Alonzo itinigil na ang paghahanap sa totoong ama: ‘Hindi ko naman kailangan ng tatay kasi buo naman ako…’

Ervin Santiago |January 30,2023
facebook
share this

Bea Alonzo itinigil na ang paghahanap sa totoong ama: ‘Hindi ko naman kailangan ng tatay kasi buo naman ako…’

Ervin Santiago - January 30, 2023 - 08:28 AM

Bea Alonzo itinigil na ang paghahanap sa totoong ama: 'Hindi ko naman kailangan ng tatay kasi buo naman ako...'

Mary Anne Ronollo at Bea Alonzo

MAY maganda at makatarungang dahilan naman pala si Bea Alonzo kung bakit ayaw na niyang hanapin ang kanyang biological father na isang British national.

Ayon sa Kapuso actress at content creator, hindi na niya kailangan pang hanapin ang tunay niyang ama para na rin sa ikatatahimik ng kanyang ina at ng kanilang pamilya.

Mula nang isilang si Bea ay ang kanyang ina nang si Mary Anne Ronollo ang nag-alaga at nagtaguyod sa kanya dahil hindi na nga niya nakita ang kanyang totoong tatay.

Sa guesting ni Bea sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Huwebes, January 26, natanong ni Tito Boy Abunda ang tungkol sa naging pahayag niya noon sa “Kapuso Mo Jessica Soho”.

Sabi ng Kapuso actress, itinigil na niya ang paghahanap sa kanyang biological father. Aniya, four years old pa lamang siya nang maghiwalay ang kanyang ina at totoong ama kaya wala siyang idea kung ano ang itsura nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“You are quoted yourself that there is no need for you to get to know your biological father. Saan ang pinanggalingan nu’n?” tanong ni Tito Boy.

Tugon ni Bea, “Back in 2010 noong nakilala ni Angelica (Panganiban) yung tatay niya and parang nainggit ako sa kanya.

“Siyempre Angelica and I are good friends, ako yung isa sa mga una niyang pinagsabihan kasi alam niya na makaka-relate ako doon sa experience niya.

“I tried looking my father, tapos may mga pinaghinalaan pero hindi pala yon yung totoo,” lahad ni Bea.

Knows n’yo ba kung ano ang ginawa ng aktres sa kanyang nanay para malaman ang identity ng kanyang tatay?

“That Christmas, nilasing ko yung nanay ko na hindi umiinom by the way.

“Nilasing ko siya para mag-extract ako ng information, tapos nagulat ako doon sa naging resulta kasi talagang umiyak siya.

“Nakita ko yung… I don’t know kung trauma for that relationship or ano, so I felt so guilty,” paliwanag niya.

At dahil dito, na-realize ng aktres na hindi na niya kailangan pang matunton ang kinaroronan ng ama  dahil sapat nang kasama niya ang pinakamamahal na ina.

“Parang nagkaroon ako ng epiphany na noong nag-reflect ako, sabi ko, ‘Alam mo, hindi ko naman kailangan ng tatay, kasi buo naman ako.

“Kung ano yung ibinibigay sa akin ng nanay ko, sobra-sobra pa sa ibinibigay ng dalawang parents. She’s been through enough kaya hindi ko na rin hinanap,” paliwanag ni Bea.

Sa ngayon, 17 years nang kasal si Mrs. Mary Anne sa step dad ni Bea na si Amado Carlos. Itinuturing ito ng aktres na “biggest blessing” sa kanilang family.

Cristine Reyes binalikan ang trauma noong bata: I want to cut the curse

Jodi 10 years bago nahanap ang tunay na ama: But he was long gone na, he passed away 2001

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dimples Romana tumangging gawin ang lesbian movie, sagot sa direktor: ‘Hindi pa po yata ako handa’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending