Gen Z actress ikinumpara sa ka-edarang artista, hindi raw genuine kaya 'di bet ng mga katrabaho | Bandera

Gen Z actress ikinumpara sa ka-edarang artista, hindi raw genuine kaya ‘di bet ng mga katrabaho

Reggee Bonoan - January 27, 2023 - 06:52 PM

Gen Z actress ikinumpara sa ka-edarang aktres, hindi raw genuine kaya 'di bet ng mga katrabaho

“HINDI siya kasi genuine, shooting/taping friend lang siya kaya hindi siya type,” ito ang sitsit ng aming paru-parong source tungkol sa nabibilang na Gen Z actress na minsang naging close sa mga beteranang aktres pero hindi naman nagtagal ang friendship nila.

Ikinumpara kasi si Gen Z actress sa ka-edaran din niyang aktres na naka-trabaho rin ang mga beteranang aktres at iba pa pero hanggang ngayon ay ka-tsika pa rin siya ng mga ito.

“Si (gen Z actress), pansin mo hindi na siya naulit maka-work ‘yung veteran actresses pero si (ka-edaran ni gen Z actress), napangalawahan na nu’ng super sikat na beteranang aktres at ikatlo naman na kina (beteranang aktres).

“Gustung-gusto nila si (ka-edarang aktres ni gen Z actress) kasi super bait, walang masamang tinapay, kahit tahimik pero ramdam mong sincere at genuine ang puso.

Si (gen Z actress), plastikada, alam mong kinakausap ka lang dahil kailangan,” kuwento ng aming paru-parong source.

Ipinagtanggol namin si gen Z actress na baka kasi naninimbang lang dahil nga sa mga isyung ikinakabit sa kanya baka nahihiya. Kasi kahit paano ay nakilala namin ang batang ito at mahiyain talaga.

Pero totoo nga, ang layo-layo ni gen Z actress sa kaedaran niyang aktres din dahil ramdam mo pag pinisil niya ang kamay mo o pag yumakap at bumeso. Hindi masalita ang huli pero alam mong concerned sa tao. Pag oras ng trabaho, trabaho talaga, pag oras ng biruan, nakikigulo rin at higit sa lahat, generous ang huli.

“Kaya nga siya gusto ng mga beterana kasi kahit bata pa, marunong makibagay at masipag, unlike si (gen Z actress), walang kusa,” pag-ayon ng aming source.

Kapansin-pansin din na si gen Z actress ay walang ma-share na post na kasama niya ang mga nakatrabaho niya sa serye at pelikula kasi nga hindi siya nakiki-mingle unlike si (ka-edarang ktres), ang daming share at ang saya-saya nilang magkakasama ng co-actors niya.

Masaya kasi ang life ng ka-edarang aktres na kahit hindi niya kasama ang family niya ay lagi naman silang nagkaka-usap through video call.

* * *

Ratsada pa rin ang ABS-CBN sa paghahatid ng de-kalidad nitong mga programa sa mga manonood sa Indonesia dahil sa bagong content localization partnership nito sa streaming platform na Vidio.

Ilan sa mapapanood online sa Indonesia ang mga hit teleserye nitong “Hanggang Saan” na pinagbidahan ng mag-inang sina Arjo Atayde at Sylvia Sanchez, “Love Thy Woman” nina Kim Chiu, Yam Concepcion, at Xian Lim, pati ang “Sino ang Maysala?: Mea Culpa” nina Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Ketchup Eusebio, at Tony Labrusca.

Palabas din sa Vidio ang longest-running drama anthology series sa bansa ni Charo Santos na “Maalaala Mo Kaya,” habang kapupulutan din ng aral ng mga chikiting ang mga istoryang tampok sa fantaserye na “Wansapanataym.”

Dahil sa bagong partnership na ito, hangad pa ng ABS-CBN na makapaghatid ng de-kalibreng Pinoy content sa iba’t ibang streaming platform abroad at ikinagalak din nila ang pagtangkilik ng Indonesian viewers sa kinagiliwang Kapamilya programs.

Aniya ng Asia Pacific managing director of ABS-CBN Global na si Maribel Hernaez, “The past couple of years saw a huge boost in the streaming industry. Around this period, ABS-CBN has taken massive steps to dominate the digital landscape through partnerships among the OTT sectors across the globe. On another hand, we acknowledge the support of Indonesians for our TV programs, films and music. This partnership with Vidio will allow us to further reach Indonesian viewers.”

Samantala, inihayag naman ng managing director of PT Vidio Dot Com na si Monika Rudijono na angkop na angkop sa kanilang manonood ang mga programang dala ng ABS-CBN para patuloy na maghatid ng world-class programming sa leading streaming platform sa Indonesia.

“As a leading OTT in Indonesia, Vidio is committed to providing premium entertainment content and seamless viewing experience for everyone. We continuously expand and refresh our content library with new titles from all around the world. This collaboration with ABS-CBN is a huge opportunity to further enhance our content offerings and bring some of the best shows across a wide variety of genres from the Philippines to our beloved Indonesian audiences,” saad ni Rudijono.

Ilan lamang ito sa mga mga programa at pelikulang hatid ng ABS-CBN sa mga manonood abroad, kung saan nakapagbenta ito ng mahigit 50,000 hours ng content sa higit 50 na bansa.

Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Chika:
Matagal nang aktres usap-usapan sa showbiz events, bihira na lang mabigyan ng projects

Andrea may paalala sa mga Gen Z; Kyle nagpaalam kay Francine bago pumasok sa PBB

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aktres iwas-iskandalo kaya binura ang IG account, baka itigil ang suporta ng dyowang aktor

DonBelle binansagang New Gen Phenomenal Love Team, susunod sa yapak ng KathNiel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending