Bea hindi masisikmurang makipagkaibigan kay Gerald; umaming nagtampo kay Boy Abunda
WALANG pag-aalinlangang sinabi ni Bea Alonzo na hindi niya kayang makipagkaibigan sa dati niyang boyfriend na si Gerald Anderson.
Ipinagdiinan ng Kapuso actress na ayaw niyang magkaroon ng koneksyon sa isang taong sinungaling at hindi niya pinagkakatiwalaan.
Sa panayam kay Bea ng Kapuso show na “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon, January 26, nabanggit ni Tito Boy na hanggang ngayon ay friends pa rin sila ng kanyang ex-boyfriend na si Zanjoe Marudo.
Kaya ang tanong niya kay Bea, “Kaya mo bang makipagkaibigan kay Gerald, not now but in the future?”
Sagot ng girlfriend ni Dominic Roque, “Hindi, because I can never be friends with somebody I cannot trust and somebody who doesn’t take responsibility for his actions. So, siguro hindi.”
View this post on Instagram
Kasunod nito, diretsahan ding inamin ng dalaga na totoong nasaktan at nagtampo siya noong interbyuhin ni Tito Boy si Gerald noong kasagsagan ng isyu about their breakup na ipinalabas noong March 5, 2021.
Sa nasabing panayam, itinanggi ni Gerald na ghinost niya si Bea pero humingi naman ito ng paumanhin sa lahat ng mga nasaktan niya nang maghiwalay sila ng aktres.
Sinabi noon ni Bea na bigla na lang daw siyang iniwan ni Gerald nang walang paalam at closure. Hindi raw talaga niya alam ang dahilan kung bakit ginawa iyon sa kanya ng aktor.
“Oo (nagtampo), kasi tao lang ako Tito Boy. Kahit sino siguro ang mag-interview sa kanya at that time, it would hurt, especially kung half the time he wasn’t telling the truth.”
“Siguro yung pinakamalaking pagsisinungaling niya was that he never ghosted me, because he did,” sabi ng aktres.
Patuloy pa niya, “Doon po sa pagtatampo ko sa inyo, at first, of course I’m human. Yes, masakit sa akin. I was crying, nasa farm kami noon. But then, tao rin ako at natuto ako.
“I realized it’s part of your job and as a great interviewer, alam ko na bawat sides of the story kailangan mong malaman,” sabi pa ni Bea.
Ilang netizens kumampi kay Gerald, Bea sinabihan ng, ‘Shut up na lang!’
Pambabasag ni Bea laban kay Gerald babala nga ba kay Julia?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.