Mga suspek sa pagnanakaw sa isang school sa Iloilo nag-iwan ng ebidensya sa blackboard: 'Pasensya na wala kaming bigas...' Bandera

Mga suspek sa pagnanakaw sa isang school sa Iloilo nag-iwan ng ebidensya sa blackboard: ‘Pasensya na wala kaming bigas…’

Ervin Santiago |January 25,2023
share this

Mga suspek sa pagnanakaw sa isang school sa Iloilo nag-iwan ng ebidensya sa blackboard: ‘Pasensya na wala kaming bigas…’

Ervin Santiago - January 25, 2023 - 07:59 AM
Mga suspek sa pagnanakaw sa isang school sa Iloilo nag-iwan ng ebidensya sa blackboard: 'Pasensya na wala kaming bigas...'

Ang blackboard na pinagsulatan ng mensahe ng mga magnanakaw sa Oton Central Elementary School

VIRAL na ang ginawang pagnanakaw ng mga kawatan sa isang paaralan sa Iloilo nitong nagdaang linggo kung saan natangay ang ilang mahahalagang kagamitan.

Naloka ang mga opisyal ng Oton Central Elementary School sa Iloilo nang makita ang iniwang mensahe ng mga suspek sa blackboard ng niloobang paaralan.

Ayon sa report ng Oton Municipal Police Station, tinangay ng mga magnanakaw ang 14 na stand fans, dalawang wall fans, isang air-conditioner, speakers, at isang flat-screen TV sa Parent-Teacher Association (PTA) office ng school.

Pero bago nga tumakas, nag-iwan pa ang mga ito ng message sa  pamamagitan ng blackboard kung saan nakasulat ang mga katagang, “Pasensya na wala kaming Bigas kami ang Mag nanakaw.”

Sa ulat ng GMA Regional TV One Western Visayas, ini-report sa pulisya ang nasabing insidente noong Linggo, January 15.

Base sa inisyal na imbestigasyon, iniangat daw ng mga kawatan ang isang bakal sa window grills para makapasok sila habang pinuwersa namang binuksan ang pinto ng opisina para mailabas nila ang mga ninakaw na gamit.

“May nakita silang parang mga tao na tumatawid. Hindi natin na-determine ang edad. Iyan pa ang inaalam natin,” ang pahayag ni Major Fernand Limbungan, chief ng Oton Municipal Police Station.

Ayon naman sa salaysay ng school officials, maaaring nagmasid ang mga suspek habang abala ang lahat sa basketball league games sa school gymnasium.

Para naman sa seguridad at proteksyon ng mga estudyante, guro at iba pang staff ng school, magdadagdag ang management ng CCTV at mas paiigtingin pa ang pagpapatrolya ng mga security guard sa bisinidad ng paaralan.

Herlene Budol ninakawan ng halik si Alden, netizens umalma: Sa lahat ng nailang, nag-sorry na po ako

Sharon inamin ang pinakaayaw pero minahal niya kay Kiko: Wala siyang pera, dahil ‘di siya nagnanakaw

Ian de Leon umaming nakalimot kay Lord; dumaan sa matinding depresyon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending