Herlene Budol ninakawan ng halik si Alden, netizens umalma: Sa lahat ng nailang, nag-sorry na po ako Bandera

Herlene Budol ninakawan ng halik si Alden, netizens umalma: Sa lahat ng nailang, nag-sorry na po ako

Ervin Santiago |April 05,2022
share this

Herlene Budol ninakawan ng halik si Alden, netizens umalma: Sa lahat ng nailang, nag-sorry na po ako

Ervin Santiago - April 05, 2022 - 06:44 AM
Herlene Budol ninakawan ng halik si Alden Richards

Herlene Budol at Alden Richards

MARAMING nainis at nairitang fans sa “pagnanakaw” ng halik ni Herlene Budol na unang nakilala bilang “Hipon Girl” kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Hindi kasi napigilan ng Kapuso comedienne at TV host na panggigilan si Alden at halikan sa pisngi nang makita niya ito nang personal sa isang event.

Ipinost ni Herlene ang isang maikling video sa kanyang TikTok nitong Linggo, April 3, kung saan mapapanood ang pagkikita nila ng Kapuso matinee idol.

Ang caption ng komedyana sa nasabing TikTok video, “Parang manika si Alden, walang lait. Pogi.”

Makikita nga sa video ang excitement ni Herlene nang makita na niya nang malapitan ang aktor. Talagang napatili siya sabay yakap kay Alden.

Kasunod nito, hinalikan nga ni Herlene sa pisngi si Alden kaya parang nagulat ang binata. Uulitin pa sana ni Hipon Girl ang pagnanakaw ng halik sa Pambansang Bae hirit pero tila napaiwas na ang aktor.

Kaya naman yumakap na lang uli siya sa likod ni Alden sabay tili ng “Alden, my God!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Dahil dito, maraming netizens ang tila na-bad trip kay Herlene at kitang-kita raw na na-awkward si Alden sa stolen kiss ni Herlene. Kaya naman agad na napaliwanag ang komedyana tungkol sa nangyari.

Sa comments section ng kanyang TikTok video ay sinabi niyang nag-sorry na siya kay Alden sa nangyari kasabay din ng paghingi ng paumanhin sa mga nagalit sa ginawa niya.

“Sorry po sa mga nailang para kay Alden, nag-sorry po ako after at nagpaalam din,” pahayag ng dalaga.

Kung hindi kami nagkakamali, ngkasama sina Herlene at Alden sa isang motorcade na ginawa sa Nueva Ecija noong March 31.

Sa isang panayam, inamin ni Herlene na isa siyang solid fan ng AlDub, ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza na sumikat sa “Kalyeserye” segment ng “Eat Bulaga”.

“AlDub Nation ‘to, ‘te. Nabansagan akong Yaya Dub sa school kasi lagi ko ginagaya mga outfit pati galawan ni Yaya Dub,” ani Herlene sa chikahan nila ni Angelica Yap, alias Pastillas Girl, sa kanyang vlog nitong nagdaang buwan.

Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Herlene Budol bumuwelta sa mga ‘golden bashers’; may hiling para sa magulang nina Toni at Alex

Herlene Budol bawal pang makipag-kissing scene: Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending