Ian de Leon umaming nakalimot kay Lord; dumaan sa matinding depresyon Bandera

Ian de Leon umaming nakalimot kay Lord; dumaan sa matinding depresyon

Ervin Santiago |September 08,2022
share this

Ian de Leon umaming nakalimot kay Lord; dumaan sa matinding depresyon

Ervin Santiago - September 08, 2022 - 08:04 AM

Ian de Leon

INAMIN ng aktor na si Ian de Leon na may pagkakataon sa kanyang buhay na nakalimutan niya ang Diyos at ang mga mahahalagang tao sa buhay niya.

Alam n’yo ba na tatlong taon ding nakipaglaban sa matinding depression ang anak nina Nora Aunor at Christopher de Leon bago siya naka-recover sa kanyang mental health problems?

Kuwento ni Ian, sinadya niyang lumayo sa mga taong nagmamahal at nais na tumulong sa kanya, kabilang na rito ang kanyang pamilya.

“When I hit rock bottom talaga, I was searching for answers, e. I strayed away from family for a while.

“I didn’t want to see anyone, I didn’t want to talk to anyone. I didn’t want anyone asking me how I am.


“I just had that spiraling depression moment in my life where it took me three years to get over it, and it was a really dark and difficult time for me.

“I forgot about God, I forgot about people who cared for me, people who loved me and I just shut myself off from the world,” simulang paglalahad ng aktor sa podcast na “Surprise Guest with Pia Arcangel.”

Pagpapatuloy ng kapatid nina Lotlot at Matet de Leon, “What was going on sa buhay ko during that time was I felt so empty and depressed that I couldn’t feel anymore.

“I woke up one night thinking, ‘What is wrong with me? What is going on? What should I do? Who should I go to? Who should I talk to?’ I don’t want to talk to anyone, I don’t want to see anyone,” aniya pa.

Abot-langit ang pasasalamat ni Ian sa asawang si Jennifer Orcine dahil hindi siya nito iniwan at pinabayaan, “I am so blessed with my wife right now because she stuck with me through those dark times.

“Di ba nga, sabi nila, malalaman mo kung sino ang totoong tao sa ‘yo at magmamahal sa ‘yo kung at the very darkest moments of your life, you will see only the people who are there for you?” lahad pa ng aktor.

Hanggang sa, “I started praying, and I think it was a call during that time. I prayed really hard. I didn’t pray with words, I didn’t pray with any sentences in my thoughts. I just prayed with intentions from my heart.

“Doon ko na-realize, if you want to communicate with our good Lord, it has to be pure intention and pure from your heart talaga. No words can truly express kung paano mo gagawin ang prayer na iyon.

“It was just like that na all sorts of information, in words, na sinasabi Niya, ‘No one can teach you how to live your life but yourself. If you give up right now, it’s your choice.

“‘The power of choice is in your hands. You have to be strong, you have to move on from whatever it is that’s going on in your life right now, you have to move on.

“Pull yourself back together. I’m here. I’m holding your hand. Look at Me, listen to Me, feel Me in your life,'” diin pa niya.

Sa huli, nabanggit ni Ian na palagi niyang ipinagdarasal ang mga taong dumaraan ngayon sa sitwasyong pinagdaanan niya. Sabi pa ng aktor ang pamilya at ang Panginoong Diyos ang una nating dapat kapitan sa lahat ng panahon.

Tatay ni Catriona maayos na ang kundisyon: My dad is the strongest person I know, my real life hero!

Jose Mari Chan may tips para sa mas epektib na pagreregalo sa Pasko

Vice nagpasalamat sa Diyos sa pagdating ni Ion: Ang bait Mo binigyan Mo ako ng ganito…

BL series actor Paolo Pangilinan nagsalita na sa isyu nila ni Juan Miguel Severo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending