Cristy Fermin sa 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga: Huwag namang i-OA na sold out Bandera

Cristy Fermin sa 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga: Huwag namang i-OA na sold out

Therese Arceo |January 24,2023
share this

Cristy Fermin sa 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga: Huwag namang i-OA na sold out

Therese Arceo - January 24, 2023 - 06:09 PM

Cristy Fermin sa 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga: Huwag namang i-OA na sold out
NAGBIGAY ng opinyon ang kolumnistang si Cristy Fermin sa nagdaang 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Sa kanyang show kasama si Romel Chika ay napag-usapan nga nila ang naturang concert na sinasabing “sold out” daw.

Saad ni Cristy, “May tao po, napakarami pong tao na sumaksi sa birthday concert ni Toni Gonzaga. ‘Yun naman pong mga bakanteng silya, hindi po maiiwasan ‘yan.”

Dagdag pa niya, hindi naman raw talaga maiiwasan na kahit gaano karaming tao ang dumalo sa naturang anniversary concert ni Toni ay may mga upuan talaga na bakante at hindi malalamnan.

“Ang mahalaga ay ‘yung maraming tao sa Araneta. ‘Wag naman pong i-OA na ‘sold out,’ ‘roar,’ ganu’n-ganu’n. Huy, mahiya naman kayo sa mga feslak niyo,” sey pa ni Cristy.

May mga claims rin kasi na diumano’y sold out ang concert nito at mismong ang special guest na si Andrew E. ang nagsabi. Ngunit kalat naman sa social media na maraming mga upuan ang bakante at walang laman.

“’Wag na ‘yung sold out. Oh, ipagpalagay na nabili, saan napunta? At saka ‘yung mga tao po na hindi nakonsumo ‘yung mga upuan na nakita nating bakante, hindi naman po kasi lahat ng binibigyan ng ticket, mayroon pong nakalaan na oras para manood,” hirit pa ni Cristy.

Matatandaang ilang linggo bago ang naturang concert ni Toni ay marami ang kumalat na balitang mismong ang ina nitong si Mommy Pinty ay bumili ng maraming tickets ng anak. Ngunit base sa pahayag ng concert producer ay 350 lang ang binili nito para sa mgakaubigan at kaanak na nais manood ng concert.

Related Chika:
Toni Gonzaga nagre-ready na para sa concert: Thank you Jesus!

Cristy Fermin kinampihan si Toni Gonzaga: Si Mocha ang kapos sa kaalaman

Producer ng 20th anniversary concert ni Toni na si Joed Serrano nag-explain sa isyu ng bentahan ng ticket

Alex Gonzaga special guest ni Toni sa kanyang 20th anniversary concert, umaming umiiwas muna sa mga cake

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending