Marco Gumabao minulto sa Baguio: Feeling ko may nakapatong sa ulo ko at may naririnig akong footsteps sa room | Bandera

Marco Gumabao minulto sa Baguio: Feeling ko may nakapatong sa ulo ko at may naririnig akong footsteps sa room

Ervin Santiago - January 23, 2023 - 07:09 AM

Marco Gumabao minulto sa Baguio: Feeling ko may nakapatong sa ulo ko at may naririnig akong footsteps sa room

Bela Padilla at Marco Gumabao

MINULTO ang hunk actor na si Marco Gumabao habang nagsu-shooting noon sa Baguio City para sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Bida ang binata sa pre-Valentine offering ng Viva Films, ang Pinoy adaptation ng Korean fantasy-romance blockbuster movie na “Spellbound”, kasama sina Bela Padilla at Rhen Escaño.

Tungkol sa mga ghosts na hindi matahimik ang kuwento ng “Spellbound” at gaganap nga ritong magician si Marco habang may third eye naman si Bela.

“It’s a very challenging role for me because I don’t really know anything about magic,” kuwento ni Marco sa naganap na virtual mediacon ng pelikula.

“But because of my character, si Victor, natuto ako. I took a workshop on magic for this role and now, nagagamit ko pa rin yung maging tricks na natutunan ko.

“Sa story, Victor is not really a good magician but he meets Bela Padilla as Yuri and she helps him be a big hit with his audiences,” chika pa ng binata.

Ginagamit niya ang mga kaluluwang ligaw para mas maging makatotohanan ang ginagawa niyang magic tricks.

View this post on Instagram

A post shared by Marco Imperial Gumabao (@gumabaomarco)


Kung matapang ang karakter niya sa pelikula sa pagharap sa mga multo, kabaligtaran naman daw ito sa tunay na buhay.

“Actually, Victor is not brave, but for Yuri, nagiging matapang siya. Like Bela who admitted na takot siya sa multo in real life, duwag din ako sa multo, although never pa ko nakakita.

“But once, when I was shooting a soap for ABS-CBN in Baguio, natutulog ako sa hotel room ko when I felt something strange. Pakiramdam ko, may nakapatong sa ulo ko at may naririnig akong footsteps sa loob ng room. So nagtalukbong na lang ako to sleep,” pahayag ni Marco.

Iniiwasan din daw niya ang manood ng mga horror movies o documentary, “Yes, I don’t really watch horror films, kasi ang bilis pumasok sa thoughts ko ng mga napapanood ko.

“Naaalala ko, lalo na mag-isa lang ako sa gabi. But now, heto, gumawa kami ng movie about ghosts, although it is more of the romance that blooms between our characters ni Bela,” lahad pa ng aktor.

Kumusta naman ang unang pagtatambal nila ni Bela sa isang proyekto, “Kaka-start ko pa lang sa showbiz, nakilala ko na si Bela sa ABS.

“We did get to work together in a digital film for Star Cinema, ‘Apple of My Eye’, but she was the writer, so never kaming nagkasama sa eksena. Siyempre, iba yung katrabaho mo siyang umaarte,” dagdag pa ni Marco.

“Marami kaming eksena together. Noong una, may kaba ako kasi kilala na siya for doing several hit movies and she also directs.

“But in all fairness to her, she never made me feel awkward on the set.

“It’s not hard to work with her kasi dedicated siya and very focused sa work niya. Kwentuhan din kami during breaks. She’s actually fun to work with, so sana maka-work ko uli siya,” pagbabahagi pa ni Marco.

Samantala, natanong ang direktor ng movie na si Jalz Zarate kung paano ang ginawa nilang atake sa Pinoy version ng “Spellbound.”

“Wala kaming masyadong binago, kasi may restrictions ang Koreans about the original. But binago namin ito by injecting more Pinoy flavor and making it more relevant to our present time.

“You’ll see na iba rin ang acting nina Bela, Marco and Rhen from the Korean actors. I’m glad as they’re all very professional and easy to work with. And very patient kasi nga the film took almost three years to complete.

“When we resumed the shoot after two years, some of the locations we used before are not available anymore, so niremedyuhan na lang namin,” paliwanag ng first-time director.

Showing na ang “Spellbound” sa mga sinehan nationwide simula sa February 1.

Sharon uminom ng totoong tequila sa body shot scene kasama si Marco; pinagtawanan lang ni Kiko

Marco Gumabao never nainggit sa kasikatan ni Daniel Padilla: Proud ako sa kanya dahil napakalayo na ng narating niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bela Padilla, Norman Bay masayang nag-celebrate ng 2nd anniversary: You make my days brighter!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending