Ilang pangunahing bilihin nagbabadyang tumaas ang presyo – DTI | Bandera

Ilang pangunahing bilihin nagbabadyang tumaas ang presyo – DTI

Pauline del Rosario - January 20, 2023 - 05:22 PM

Ilang pangunahing bilihin nagbabadyang tumaas ang presyo – DTI

PHOTO: GRIG C. MONTEGRANDE / Philippine Daily Inquirer

KASALUKUYANG pinag-aaralan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin.

‘Yan ay matapos mag-request ang ilang local manufacturers ng delatang sardinas, processed milk, tinapay, at sabon na pampaligo bago pa man maglabas ng panibagong suggested retail price (SRP) ang DTI ngayong buwan.

“But we are not finished yet and we are still studying thoroughly when we will issue,” Sey ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa Laging Handa briefing noong January 18.

Aniya, “We are just finishing up on some important figures to make sure of the computation.”

Paliwanag pa ni Castelo, “The first factor is the price of raw materials that they are using and buying from abroad. Many are imported. The logistics cost is also included since they are using fuel for distribution. And then the packaging materials used by many are also imported.”

Matatandaan noong August 2022 pa nang huling nagtaas ng presyo ang ilang basic goods.

Kabilang na riyan ang delatang sardinas na tumaas noon ng P19.58 mula sa P13.25, 150-gram pack ng powdered milk na mula P44 ay nagtaas ng P93, ang 25-gram pack ng coffee rna mula P18.50 ay naging P21.50, habang ang 20-grams na 3-in-1 coffee mix ay nagtaas ng P6.05 mula sa P4.10.

Malaki rin ang itinaas ng isang bote ng tubig noon, katulad ng 500-milliliter bottle of distilled water na may SRP na P8 ngunit nag taas ng P17, habang ang purified water na may parehong size ay naging P11 mula sa P6.75.

Samantala, sinabi ni Castelo na makikipagpulong ang DTI sa Department of Agriculture (DA)  upang solusyunan ang tumataas na presyo ng pulang sibuyas at itlog sa mga pamilihan.

“We are trying to address, together with the DA, the supply chain issues which factor into the market price of onion.

“Eggs are also included, and it has been discussed what help or intervention that the government can take when it comes to making bread,” sey ni Castelo.

Related chika:

Andrea Brillantes sa pagiging pinakabatang celebrity CEO: Dream ko talaga ang magka-business

Carla Abellana sa nahuling dog meat trader: Kulong ka ngayon!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mga sinehan, arcades at iba pang negosyo, muling pinasarhan sa GCQ areas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending