American boyfriend ni Michelle Madrigal game na game na mag-Tagalog, sey ng netizens: ‘Ang galing naman!’ | Bandera

American boyfriend ni Michelle Madrigal game na game na mag-Tagalog, sey ng netizens: ‘Ang galing naman!’

Pauline del Rosario |January 16,2023
facebook
share this

American boyfriend ni Michelle Madrigal game na game na mag-Tagalog, sey ng netizens: ‘Ang galing naman!’

Pauline del Rosario - January 16, 2023 - 05:01 PM

American boyfriend ni Michelle Madrigal game na game na mag-Tagalog, sey ng netizens: ‘Ang galing naman!’

PHOTO: Instagram/@mitch_madrigal

TUWANG-TUWA na kinikilig ang maraming netizens sa latest YouTube vlog ng aktres na si Michelle Madrigal.

‘Yan ay matapos niyang ibandera ang mukbang video nila ng American boyfriend na si Kyle.

Sa nasabing YouTube video, pinatikim ni Michelle ang ilang pagkain ng isang sikat na Pinoy fast food chain.

At habang sila nga ay nagmu-mukbang ay may mga pinapahulaang Tagalog words ang aktres.

Sa umpisa ng video ay tila nagpakitang-gilas si Kyle at alam na alam ang mga salitang “salamat,” “mahal kita,” “tadhana,” “magandang umaga,” “magandang hapon,” “magandang gabi” at marami pang iba.

Tila kahit si Michelle ay nagulat na marami nang alam si Kyle at sabi pa niya, “nag-aral ‘tong dyowa ko.”

Chika pa ng aktres, “I didn’t tell him about this ha. Alam lang niya. You know why? One thing about Kyle kasi when he was doing his training, nag-aral siya actually mag-Tagalog…’cause he knew that we’re gonna come to the Philippines and he wanna kind of prepare himself and kind of know kung paano tayo kausapin which is nice.”

Maraming Pinoy netizens naman ang napabilib ni Kyle at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section.

“Kyle is so good in speaking Tagalog. I hope he is your forever Michelle he is so genuine and seem to be a nice guy! I wish you well together. I can see the spark between both of you. He is the one (red heart emoji)”

“Mich you look so happy, energized, alive and inspired. hoping you will be like these for a longgggg time!”

“Galing ng bf ni mitch sa tagalog. #Bravo (clapping hands emojis)”

Noong nakaraang buwan lamang ay proud na ibinahagi ng aktres ang love story nila ng non-showbiz American boyfriend.

Pag-amin ni Michelle, sa isang dating app na “Hinge” niya nakilala at nakausap si Kyle.

“We met through Hinge, so it’s a dating app. Obviously, hindi ako masyadong lumalabas being a single mom. And nag-swipe siya at ako rin, and then we started chatting,” saad niya.

Looking back, sa isang dating app rin na Tinder nakilala ng aktres ang dating asawang si Troy Woolfolk at nagbunga nga ang kanilang pag-iibigan ng isang cute baby girl.

Related chika:

Michelle Madrigal ilang beses nang niloko ng lalaki, umaming nag-cheat sa ex-dyowa: ‘Gumanti lang ako!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Michelle Madrigal inaming nakilala ang bagong dyowa online, binansagang ‘patron saint of dating apps’

Michelle Madrigal inilibot ang non-showbiz dyowa sa Thailand at Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending