Boy Abunda totoong kinuhang host sa 71st Miss Universe pageant pero bakit nga ba hindi natuloy?
TOTOO ang mga naglabasang balita na naimbitahang maging host ng 71st Miss Universe pageant ang King of Talk na si Boy Abunda.
‘Yan ay kinumpirma mismo ng TV host sa isang media conference na ginanap nitong nagdaang Sabado ng gabi.
Nag-umpisa ang negosasyon nina Tito Boy at ng Miss Universe Organization noon pang Nobyembre.
Kwento ng premyadong TV host sa naganap na presscon para sa bago niyang show sa GMA 7 na “Fast Talk With Boy Abunda, “Yes, I was officially offered to anchor Miss Universe.
“Pero I think they decided to have an all-female hosting team but the e-mail negotiations started November 1,” aniya.
Nagkasabay-sabay rin daw kasi ang offer kay Tito Boy, pati na ang kanyang paghahanda sa bagong programa kaya dumating sa point na inatrasan na raw niya ang alok ng nasabing international pageant.
At kalaunan nga ay ginawa nang all-female ang hosting team sa katatapos lang na kompetisyon.
“Dumating kami roon sa kontrata, malapit na sana e, until it came to a point when ang dami na naming schedules we’re doing press conferences, we’re doing pictorials and etc. So I have to write it back,” paliwanag ng veteran TV host at talent manager.
Chika pa ni Tito Boy, “Pero dumating ‘yung panahon na hindi ko na talaga kinaya. My letter was, ‘I’d love to do this sometime in the future in the next years or so, etc. etc.’”
Bukod kasi sa ating pambato na si Celeste Cortesi, isa rin sa mga ipinagmamalaki ng mga Pinoy ay ‘yung napapabilang ang ating mga kababayan sa prestihyosong international beauty pageant.
Katulad ng Pinay skin expert na si Olivia Quido-Co na kabilang sa mga hurado ng Miss Universe.
Pati na rin si Miss Universe 2018 Catriona Gray na piniling maging backstage commentator ng katatapos lang na pageant.
Related chika:
Bitoy excited nang makaharap si Boy Abunda: ‘Gusto kong makita muli ang mahiwaga mong salamin…’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.