Vice Ganda may pahiwatig, Vhong Navarro magbabalik na nga ba sa 'It's Showtime'? | Bandera

Vice Ganda may pahiwatig, Vhong Navarro magbabalik na nga ba sa ‘It’s Showtime’?

Therese Arceo |January 14,2023
facebook
share this

Vice Ganda may pahiwatig, Vhong Navarro magbabalik na nga ba sa ‘It’s Showtime’?

Therese Arceo - January 14, 2023 - 06:57 AM

MUKHANG tuloy na tuloy na ang pagbabalik ni Vhong Navarro sa “It’s Showtime” dahil nagpahiwatig na ang Unakabogable Star na si Vice Ganda.

Nitong Biyernes, January 13, sa opening segment ng kanilang program ay napg-usapan nilang mga hosts kung anu-ano ang mga ipinagpapasalamat nila sa buhay.

Hindi lang mabubuting bagay na nangyari sa buhay ng isang tao ang dapat ipagpasalamat ngunit karapat dapatcring bigyan ng importansya ang mga negatibong nangyari sa buhay ayon kay Vice.

Kinakailangan rin daw na ma-realize ng madlang pipol na may rason ang Diyos kung bakit may pinagdaraanan na pagsubok sa buhay.

Dito na nga sumegway si Vice at sinabing mayroon daw siyang nakausap na magbabalik sa kanilang programa sa susunod na linggo.

Aniya, “May kausap nga ako kaninang madaling-araw, e. Sabi ko, ‘Bitbitin mo yang excitement mo. Sa sobrang mabibigat ng pinagdaanan mo last year, ang pinakamaganda namang kasama niyan, e, sinamahan ka, kinampihan ka at pinaniwalaan ka ng madlang pipol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

“Kaya bitbitin mo yang excitement mo, pagbalik mo sa Lunes,” dagdag pa niya.

Marami nga ang naghinuha na ang TV host-comedian na si Vhong Navarro ang tinutukoy ni Vice sa kanyang mga sinabi.

Matatandaang September 2022 pa noong huling napanood ng madlang pipol sa “It’s Showtime” si Vhong bago siya tuluyang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) upang mag-bail para sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

Ngunit hindi na nakauwi pa ang kaibigan ni Vice dahil na-detain na ito sa ahensya matapos maglabas ng Taguig Metropolitan Regional Trial Court ng warrant of arrest para naman sa kasong rape.

Makalipas ang halos tatlong buwang pagkakakulong ay pansamantala ngang nakalaya si Vhong matapos i-grant ang kanyang petisyon na makapag-bail.

Related Chika:
Vice Ganda sinagot na kung kailan magbabalik sa ‘Showtime’ si Vhong Navarro

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

Vice, Toni nagplastikan lang daw sa MMFF 2022 Parade of Stars, Ogie Diaz to the rescue: Ilibing na natin ang nakaraan!

Vice Ganda hindi lalayasan ang ‘Showtime’: Ang dami ko lang labada at sinampay, I’ll be back soon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending