Vice Ganda sinagot na kung kailan magbabalik sa 'Showtime' si Vhong Navarro | Bandera

Vice Ganda sinagot na kung kailan magbabalik sa ‘Showtime’ si Vhong Navarro

Therese Arceo - December 20, 2022 - 05:27 PM

Vice Ganda sinagot na kung kailan magbabalik sa 'Showtime' si Vhong Navarro

Amy Perez, Vice Ganda, Anne Curtis, at Vhong Navarro

MAGMULA nang payagan ng korte na makapagpiyansa at pansamantalang makalaya ang TV host-comedian na si Vhong Navarro para sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa kanya ay marami na sa madlng pipol ang nag-aabang ng kanyang pagbabalik sa noontime program na “It’s Showtime”.

December 6 pa nang gabi nang tuluyan nang makalabas sa Taguig City Jail ang komedyante kaya naman palaisipan na sa mga tagasuporta nito kung kailan ito muling magbabalik telebisyon.

Kaya naman ang isa sa mga malapit nitong kaibigan na si Vice Ganda ay madalas nang matanong kung kailan nga ba muling mapapanood sa kanilang programa si Vhong.

Sa “It’s Showtime” nga ay nagsalita na ang Unkabogable Star patungkol sa hindi mamatay-matay na tanong ukol sa matalik na kaibigan.

“Gusto niyo bang malaman kung kailan babalik si Vhong? Pwes, gusto rin naming malaman,” pabirong saad ni Vice.

Kuwento pa niya, sa tuwing mayroon siyang presscon ay madalas siyang tanungin ng “Kailan ba babalik si Vhong?” kaya naman isang sagot na lang ang kanyang sasabihin para matapos na rin ang mga tanong at para na rin mapanatag ang nag-aabang sa Kapamilya TV host-comedian.

“Una, hindi po ako ang manager ni Vhong so hindi ako ang magde-decide kung kailan siya babalik. Pangalawa, pagpahingahin muna natin siya. Kailangan niyang magpahinga,” pagbabahagi ni Vice.

At kahit na hindi niya alm kung kailan ang pagbabalik ng matalik niyang kaibigan sa industriya ay naniniwala itong magbabalik ang Kapamilya host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

“Pangatlo, babalik siya…. He promised to come back,” sey pa ni Vice.

Matapos nito at nagkasundo sina Vice, Jhong, at Anne na lokohin ang madlang pipol na kunyari ay lalabas si Vhong mula sa backstage.

Anyway, sa ngayon kasi ay sinusulit ng “It’s Showtime” ang kanyang oras kasama ang pamilya matapos ang mahigit tatlong buwang pagkakakulong nito.

May mga chika namang sa January 2023 daw magbabalik si Vhong sa Kapamilya noontime program.

Related Chika:
Vice Ganda: Gusto kong magkaanak, hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa

#SanibPwersa: Vice, Anne, Kim, Vhong, Billy, Alex back-to-back ang mga pasabog sa tanghalian

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice nag-sorry sa pag-dirty finger kay Vhong sa ‘Showtime’: Bad, bad, bad…that’s very bad!

Vice kay Vhong: Hinding-hindi ka namin nakakalimutan, araw-araw nagdadasal kami para sa ‘yo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending