Vice nag-sorry sa pag-dirty finger kay Vhong sa 'Showtime': Bad, bad, bad…that’s very bad! | Bandera

Vice nag-sorry sa pag-dirty finger kay Vhong sa ‘Showtime’: Bad, bad, bad…that’s very bad!

Ervin Santiago |April 24,2022
facebook
share this

Vice nag-sorry sa pag-dirty finger kay Vhong sa ‘Showtime’: Bad, bad, bad…that’s very bad!

Ervin Santiago - April 24, 2022 - 02:31 PM

Vice Ganda

NAG-SORRY agad-agad ang Kapamilya TV host-comedian na si Vice Ganda matapos mag-dirty finger sa nakaraang live episode ng “It’s Showtime.”

Kitang-kita ito sa camera habang nagbibiruan sila ni Vhong Navarro sa segment ng “Showtime Sexy Babe” kasama ang isa pang co-host nila sa programa na si Ogie Alcasid.

Halatang shookt din si Vice nang ma-realize niya na na-sight ng madlang pipol ang pag-dirty finger niya kay Vhong on national television.

Kinakausap kasi nila nina Vhong at Ogie ang isang contestant ng “Showtime Sexy Babe” na nakipaghiwalay sa dyowa niya nito lamang nakaraang buwan.

Sey nasabing contestant tungkol sa breakup nila ng kanyang boyfriend, “Nu’ng nakikita ko po na hindi na nagwo-work saka parang wala naman po siyang balak, saka wala na siyang interes sa akin, napagpasyahan ko po (na makipaghiwalay) kasi alam ko po yung worth ko saka hindi ko deserve yung bare minimum.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Humirit naman si Vice ng, “Bare minimum! Grabe, hindi mo deserve ang bare minimum? E, ang Bear Brand, deserve mo ba ang Bear Brand? E, si Bearwin Meily?”

Tawanan naman iba pang kasamahan ni Vice sa show hanggang sa mag-dirty finger sign na nga siya kay Vhong nang sumagot ito sa kanyang joke at nakita nga ito sa camera.

Kaya naman bago sila tuluyang magpaalam sa programa humungi ng paumanhin si Vice sa mga Kapamilya viewers at sinabing maling-mali ang ginawa niya para sa isang live show.

“Bago ang lahat, gusto ko munang humingi ng paumanhin dahil kanina naghaharutan kami ni Vhong Navarro at meron akong naibunton na hindi maganda kaya humihingi po ako ng paumanhin.

“Bad, bad, bad… that’s very bad, oo. Pero ayun, paumanhin po,” ang mensahe ni Vice Ganda sa madlang pipol.

Vhong excited na sa pagbabalik ng madlang pipol sa studio ng ‘Showtime’: Soon mangyayari na yan!

Lovelife hugot ni Piolo: Wag na wag ma-fall agad, don’t rush into anything…

Rabiya nag-sorry matapos rumampa sa National Costume competition ng Miss U: I even cut my finger…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending