#SanibPwersa: Vice, Anne, Kim, Vhong, Billy, Alex back-to-back ang mga pasabog sa tanghalian | Bandera

#SanibPwersa: Vice, Anne, Kim, Vhong, Billy, Alex back-to-back ang mga pasabog sa tanghalian

Ervin Santiago - July 12, 2022 - 09:37 AM

Ang mga host ng Lunch Out Loud at It’s Showtime

TULOY na tuloy na ang back-to-back na pagpapalabas ng “Lunch Out Loud” at “It’s Showtime” sa A2Z, Kapamilya Channel at TV5.

Siguradong mabubusog sa saya at madadagdagan ng sigla ang buhay ng mga Filipino tuwing tanghali sa pagsasanib-pwersa ng dalawang programa.

Simula Hulyo 16 (Sabado), magsisimula na ang pinakabagong noontime experience ng viewers dahil masusubaybayan ang “Lunch out Loud ” simula 11 a.m. hanggang 12:45 p.m. at susundan ng “It’s Showtime” pagsapit ng 12:45 p.m. hanggang 3 p.m  para walang patid ang saya sa tanghalian.

Mae-enjoy ng tropang LOL sa “Lunch Out Loud” ang iba’t ibang mga laro tulad ng kakaibang dating game para sa mga dating magkasintahan na “H.O.P.E,” ang showbiz quiz na “Maritest,” ang pagalingan ng hosts sa pagsagot sa “Beat The 2,”  limpak-limpak na papremyo sa “Pera Usog,” at pagtupad ng mga hiling sa “Sagot Mo, Sagot Ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lunch Out Loud (@lunchoutloudph)


Patuloy namang maghahatid ng saya at magiging tulay ng pag-asa sa madlang pipol ang “Showtime”.

Sa loob ng 13 taon, sinubaybayan at ipinagmalaki ng mga manonood ang husay at talento ng mga Pilipino sa “Tawag ng Tanghalan.”

Nagbibigay din ito ng inspirasyon at kasiyahan sa pamamagitan ng mga kwento ng contestants sa iba’t ibang segments tulad ng “Sexy Babe,” “ReINA ng Tahanan,” “Miss Q and A,” “MiniMe,” at iba pa.

Ang masayang samahan at kulitan ng “It’s Showtime” hosts ay patuloy ding mararamdaman sa kanilang tuloy-tuloy na paglilingkod sa lahat ng ating Kapamilya, Ka-A2Z, at Kapatid.

Makakasama pa rin ng manonood sa “Showtime” sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Karylle, Jhong Hilario, Ryan Bang, Amy Perez, Kim Chiu, Jackie Gonzaga, Ogie Alcasid at Ion Perez.

Sa “Lunch Out Loud” naman, ka-join pa rin bilang mga host sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, KC Montero, Jeffrey Tam, JD Axie, Francoise Denyse Fainsan at Isabelle Daza.

Dahil sa kolaborasyon ng ABS-CBN Entertainment, Brightlight Productions, Zoe Broadcasting Network, at TV5, mas maraming Filipino pa sa bansa ang maaabot ng mga dekalidad na programa na magpapangiti sa mga manonood tuwing tanghali.

https://bandera.inquirer.net/318036/showtime-lunch-out-loud-sanib-pwersa-sa-pagpapasaya-ng-madlang-pipol

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/295687/pilipinas-back-to-back-ang-pagkapanalo-sa-mister-gay-world
https://bandera.inquirer.net/306496/true-kaya-lunch-out-loud-ng-tv5-matsutsugi-na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending