Vice, Toni nagplastikan lang daw sa MMFF 2022 Parade of Stars, Ogie Diaz to the rescue: Ilibing na natin ang nakaraan! | Bandera

Vice, Toni nagplastikan lang daw sa MMFF 2022 Parade of Stars, Ogie Diaz to the rescue: Ilibing na natin ang nakaraan!

Ervin Santiago - December 27, 2022 - 10:58 AM

Vice, Toni nagplastikan lang daw sa MMFF 2022 Parade of Stars, Ogie Diaz to the rescue: Ilibing na natin ang nakaraan!

Toni Gonzaga at Vice Ganda

NAGPLASTIKAN lang daw sina Vice Ganda at Toni Gonzaga nang muling magkita at magyakapan sa ginanap na Metro Manila Film Festival 2022 Parade of Stars kamakailan.

Yan ang reaksyon ng ilang netizens nang bumandera nga ang balita na tinapos na raw nina Vice at Toni ang matagal nang intriga at chika about their tampuhan at samaan ng loob.

May kaugnayan umano ito sa kontrobersyal na May, 2022 elections kung saan magkaiba nga ang sinuportahan nilang presidential candidates.

Si Pangulong Bongbong Marcos ang binoto ni Toni habang si dating Vice President Leni Robredo naman ang ikinampanya ni Vice Ganda.

Ayon sa mga comments na nabasa namin sa social media, halata raw na nagplastikan lang sina Toni at Vice para bumango ang mga pelikula nila sa MMFF 2022. Si Vice ay bida sa “My Partners in Crime” habang lead star naman si Toni da “My Teacher”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)


Tila dedma naman sina Vice at Toni sa chikang ito dahil hindi na nila sinagot at pinatulan ang mga nangnenega sa kanila dahil ang mahalaga ay ang pagtangkilik ng madlang pipol sa kanilang entries sa MMFF.

Marami naman ang nagtanggol kina Vice at Toni sa mga bashers at haters kabilang na riyan ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.

Nagkomento ang komedyante about the issue sa kanyang YouTube vlog masama sina Mama Loi at Mrena.

“Hindi naman sila magkagalit, Mrena. Hindi lang sila nabigyan ng pagkakataon na mabigyan na magkita nang personal pero magkaibigan talaga sila,” ang paliwanag ni Ogie.

Pero aniya, ang big question lang daw sa isyu ay kung bakit naka-unfollow si Toni sa mga socmed account ni Vice.

“Maraming in-unfollow si Toni. Nilimit niya na lang ‘yung friends niya to 27 persons,” sabi ni Ogie kasabay ng pagsasabing hindi nga kasama si Vice sa pina-follow ng TV host-actress at content creator.

Sa ngayon, pina-follow pa rin ni Vice si Toni sa Instagram.

Sa tanong ni Mrena kay Ogie kung nagplastikan lang ang dalawa sa Parade of Stars, “Walang ibang tao na makakasagot sa mga katanungan mo kung hindi silang dalawa lang, hindi ang ibang tao.”

Basta ang alam lang daw ni Ogie, marami ang na-happy sa muling pagtatagpo nina Vice at Toni kahit magkalaban pa rin sila sa ginaganap ngayong MMFF.

“Kung ang ibang tao ay napa-plastikan sa pagbabatian ni Vice Ganda at ni Toni Gonzaga, opinyon din nama na nila ‘yun.

“Hayaan natin. Ang importante ay hindi sila nag-away, nagbatian na nga. Dapat matuwa ang karamihan diyan,” ani Ogie.

Huling mensahe pa ni Ogie sa madlang pipol  “Ilibing na ang nakaraan.”

Vice Ganda, Toni Gonzaga nagyakapan sa MMFF 2022 Parade of Stars; Magic 8 kanya-kanyang paandar

Vic kakaririn ang pagbabalik-pelikula para sa MMFF 2023; umamin kung ano ang madalas nilang ‘pagtalunan’ ni Pauleen

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Float ng ‘Mamasapano: Now it Can Be Told’ sa MMFF parade walang artista, anyare?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending