Vice Ganda, Toni Gonzaga nagyakapan sa MMFF 2022 Parade of Stars; Magic 8 kanya-kanyang paandar
NAGING daan ang Metro Manila Film Festival 2022 Parade of Stars sa muling pagkikita nina Vice Ganda at Toni Gonzaga na ikinatuwa ng kanilang mga tagasuporta.
Kahapon, December 21, ginanap ang tradisyonal na pagparada ng mga artistang may entry sa MMFF 2022 na nakasakay sa kani-kanilang paandar na float na nagsimula sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City, malapit sa Welcome Rotonda.
Bago pa magsimula ang Parade of Stars, nasaksihan ng mga taong naroon ang pagkikita at pagyayakapan nina Vice at Toni.
As in bumaba talaga si Vice Ganda mula sa float ng entry niyang “Partners In Crime” para lapitan si Toni sa float ng pelikula nitong “My Teacher.”
Mahigpit silang nagyakapan at sandaling nagchikahan. Siyempre, tuwang-tuwa ang kanilang mga kasamahan dahil pinatunayan nilang wala silang samaan ng loob tulad ng napapabalita.
Noong kasagsagan ng May, 2022 elections inintriga ang friendship ng magkaibigan dahil magkaiba ang sinuportahan nilang presidente.
Inendorso ni Vice si dating Vice President Leni Robredo habang si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. naman ang binoto ni Toni. Kasunod nito, nilayasan din ni Toni ang ABS-CBN.
Samantala, naging matagumpay naman ang ginanap na Parade of Stars ng MMFF 2022 dahil sa dami ng mga taong nag-abang sa mga float ng walong kasaling pelikula.
Nag-start nga ito sa Welcome Rotonda at binagtas ang Quezon Avenue at nagtapos sa Quezon Memorial Circle kung saan nagkaroon ng programa.
Dito nga nagpa-abs ang isa sa mga cast members ng “My Father, Myself” na si Jake Cuenca habang kumakanta. Biglang hinubad ng aktor ang suot na t-shirt at ibinato sa audience.
Bukod dito, nilapitan din ni Jake ang lead star ng “Labyu With An Accent” na si Coco Martin para batiin at yakapin. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa Kapamilya series na “Tayong Dalawa” (2009) at “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Nang makita naman ni Coco at ng leading lady niya sa “Labyu With An Accent,” kinawayan nila ang Kapamilya stars na kasali sa “Family Matters.”
Bukod kay Jake, kumanta rin si Jeffrey Hidalgo na kasama sa entry na “Deleter” na pinagbibidahan nina Nadine Lustre, McCoy de Leon at Louise delos Reyes.
Nag-perform din si Heaven Peralejo ng pelikulang “Nanahimik Ang Gabi” na inabutan pa ng flowers ng mga co-stars niyang sina Ian Veneracion at Mon Confiado.
Absent naman sa naganap na parada ang mga veteran stars na sina Noel Trinidad at Liza Lorena ng “Family Matters”, si Joey de Leon ng “My Teacher” at si Edu Manzano ng “Mamasapano: Now It Can Be Told.”
Super thankful naman si Mayor Joy Belmonte sa tagumpay ng MMFF 2022 Parade of Stars. Sey ng alkalde, susubukan niyang panoorin ang lahat ng entries this year.
Sa tanong kung ano ang una niyang panonoorin sa walong filmfest entry, “Siyempre, mahilig ako sa horror. So, I will watch all the horror movies. “Deleter, and I want to watch Family Matters, and yung pelikula rin ni Direk Lino Cayetano, Nanahimik ang Gabi.
“He texted me personally to watch it, and I will watch that. Pero as much as possible, meron na akong passes, at lahat na pelikula ay papanoorin ko dahil Christmas break naman,” ani Mayor Joy.
MMFF 2021 Parade of Stars aariba sa Pasig River; Aiko gagawaran ng Dangal ng Lahi award
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.