Coco: Dapat ang gawin nating pelikula ay ‘yung makaka-inspire dahil alam natin ang hirap ng pinagdaanan ng lahat | Bandera

Coco: Dapat ang gawin nating pelikula ay ‘yung makaka-inspire dahil alam natin ang hirap ng pinagdaanan ng lahat

Alex Brosas - December 13, 2022 - 08:02 AM

Dapat ang gawin nating pelikula ay ‘yung makaka-inspire dahil alam natin ang hirap ng pinagdaanan ng lahat

Coco Martin

MATAPOS ang halos tatlong taon ay nag-decide si Coco Martin na mag-field ng  entry into the Metro Manila Film Festival.

Ito ay ang “Labyu With An Accent” na isa sa entries sa Metro Manila Film Festival 2022.

“Naisip ko ‘yung project na ito kasi ‘di ba, almost three years tayong hindi nakalabas ng mga bahay natin tapos hindi tayo nakapanood ng sine, which is iyon ang tradisyon natin na kapag Pasko, ito ‘yung reunion natin ng mga barkada, asawa, anak,” sabi niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“Parang sabi ko, bakit hindi tayo gumawa ng isang pelikula na baka sakali ay matulungan natin ‘yung industriya na makabalik. Na ito ‘yung magiging dahilan, ‘yung mga pelikula ng Metro Manila Film Festival,” dagdag niyang paliwanag.

Natutuwa nga si Coco dahil maging ang friend niyang si Vice Ganda ay may entry din sa yearly MMFF.

“Nakakatuwa kasi lahat nagtutulung-tulong sa industriya para makabalik tayo dito,” say niya.

“Kaya naisip ko, dapat ang gawin nating pelikula ay ‘yung makaka-inspire ng mga tao dahil alam naman natin ang hirap ng pinagdaanan, ‘yung lungkot dahil ang tagal nating hindi nakalabas ng bahay.

“Siyempre, kung gagawa tayo ng pelikula, dapat ‘yung mapapaligaya natin sila, mapapatawa natin sila at mai-inspire natin sila. Kaya ‘yung konsepto ng pelikulang ginawa namin ay kumpletos-rekados,” he said.

“Labyu With An Accent” also stars Jodi Sta. Maria, Joross Gamboa, Rochelle Pangilinan, Nikki Valdez, Nash Aguas, Marc Solis, John Medina, Bassilyo and Nova Villa.

Joel Lamangan sa R-18 rating ng MMFF entry na ‘My Father, Myself’: Ayaw nila ng kabaklaang movie na serious ang treatment

Regine ipinagmalaki si Nate: Hindi siya namimili ng kakausapin, kahit anong age, kahit anong estado ng buhay mo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kahit may sakit, Kris nakipag-sanib pwersa uli kay Angel para tumulong sa mga biktima ni Odette

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending