Slater Young nagpaalam na sa kanyang kotse for 7 years: Thank you for the memories
TULUYAN nang nag-goodbye ang “Pinoy Big Brother: Unlimited” Big Winner na si Slater Young sa kanyang sasakyan na pagmamay-ari niya for 7 years.
Ito ay ibinahagi niya nitong Huwebes, January 12 sa kanyang Instagram account.
“Saying goodbye to my buddy today. Thank you for the memories,” saad ni Slater sa kanyang caption.
Kwento pa niya, ito lang raw ang kanyang sasakyan sa mga nakalipas na taon.
“I got her when Kryz and I started dating and she has been nothing but reliable. Kailangan nalang talaga mag move on to a more family friendly vehicle. Hmm… what to get?” dagdag pa niya.
View this post on Instagram
“Goodbye monster truck,” comment ng asawa niyang si Kryz.
Bagamat malungkot si Slater dahil matagal na niya itong pag-aari ay kinakailangan na talaga niya ng ibang sasakyan lalo na at lumalaki na ang kanilang pamilya ng vlogger-social media influencer.
Marami naman sa kanyang mga kaibigan ang nag-comment at nag-suggest ng sasakyan na magandang bilhin para sa pamilya.
“Time to go Hybrid and support the electrification of cars for lower carbon emissions,” comment ng isang netizen.
Sey naman ng isa, “No. Upgrade it to overlanding rig and go camping with fam”
For sure naman ay kung anuman ang mapipili ni Slater ay ipo-post nito sa kanyang Instagram para updated ang kanilang supporters.
Matatandaang 2019 nang ikasal sila ni Kryz at sa kasalukuyan ay may dalawa na silang anak, sina Scottie at Sevi.
Related Chika:
Bakit nga ba bigla na lang nilayasan ni Slater Young ang showbiz, anyare?
Kryz Uy, Slater Young may marriage advice sa madlang pipol: Give 5 second hugs
Slater Young kumasa sa ‘Ting Ting Tang Ting’ dance challenge
Slater Young, Kryz Uy nasalanta ng bagyong Odette, nanawagan ng karagdagang tulong
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.