‘Deleter’ naungusan na nga ba ang ‘Feng Shui 2’ bilang top grossing Filipino horror film?
“PARANG nalampasan na, parang na-surpass na. Tama ba, Marketing?” ito ang nakatawang sagot ni Jeffrey Hidalgo sa tanong na ilang digits na lang ay malalampasan na nila ang horror local movie na may pinakamataas na kita sa Pilipinas. Ngunit sinabihan sila ng taga-Viva na hindi pa nila puwedeng i-anunsyo.
Ni-research namin kung anong pelikulang horror ang may pinakamataas na kinita at ito ang pelikulang “Feng Shui 2” na ipinalabas noong 2014 na ang estimated budget ay P20M at kumita ito ng P235M.
Dalawang araw bago ang thanksgiving party ng Viva Films para sa “Deleter” ay naglabas na ang Metro Manila Film Festival ng unofficial gross income ng mga pelikulang kasama sa MMFF 2022 at nangunguna ang pelikula ni Nadine na nagtala ng P234M.
Kaya sa mismong araw ng gabi ng pasasalamat ng cast at direktor sa entertainment press/vloggers ay lumampas na ito sa P240M na ibig sabihin ay nalampasan na nito ang “Feng Shui 2” na pinagbidahan nina Kris Aquino at Coco Martin na isinali rin sa MMFF 2014 mula sa direksyon ni Chito S. Rono.
Sa pagpapatuloy ni Jeffrey kung ano ang pakiramdam na hawak na ng “Deleter” ang highest gross.
“Ako, jackpot lang na nakasama ako sa project na ito,” tumatawang sabi pa ng aktor.
Sabi naman ni Nadine, “Ako nakakakilabot kasi as in hindi po namin ini-expect, eh. Kahit nga ‘yung tinatawag ‘yung Deleter kapag nanalo ng awards sa MMFF awards night, ‘yung mukha ko parang kaming mga magkakatabi ro’n nagtitinginan lang kami na ‘totoo ba ‘tong nangyayari na ‘to? ‘
“Kasi wala sa aming nage-expect, so, sobrang blessings ito sa amin na ang daming nakuha ng Deleter na awards at ang daming nanonood ng pelikula. Sobrang grateful po ako.”
Dagdag kuwento pa ni Jeffrey na ni isang award ay hindi raw sila nag-expect kaya kapag natatawag daw ang “Deleter” ay nagugulat sila, maging si direk Mikhail Red ay hindi rin nag-e-expect na mananalo dahil may iba silang iniisip na mag-uuwi ng award kaya gulat na gulat daw silang lahat.
View this post on Instagram
Kaya sobra ang pasalamat nila sa lahat ng tumangkilik ng “Deleter” at mas lalo rin silang nagulat nang ibalitang topgrosser na sila sa takilya before January 9 na nalampasan na nila ang pelikulang nagtala kaagad ng unang puwesto sa unang araw palang ng Metro Manila Film Festival.
Related Chika:
Nadine ipinagmalaki ng ama sa buong universe: You have proven that ‘Love Teams’ can be…Deleted!
Anu-ano ang unang ginawa ni McCoy nang malamang makakatrabaho niya si Nadine sa ‘Deleter’?
MMFF 2022 Review: ‘Deleter’ ni Nadine Lustre dapat bang i-‘delete’ o dedma na lang?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.