Nadine Lustre pagod na pagod sa paggawa ng horror movie, dugo't pawis na may kasamang luha ang puhunan sa 'Deleter' | Bandera

Nadine Lustre pagod na pagod sa paggawa ng horror movie, dugo’t pawis na may kasamang luha ang puhunan sa ‘Deleter’

Ervin Santiago - November 28, 2022 - 02:03 PM

NAPATUNAYAN ng award-winning actress na si Nadine Lustre na napakahirap pala talagang gumawa ng isang horror movie.

Bida si Nadine sa official entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 na “Deleter” kasama sina Louise delos Reyes, McCoy de Leon at Jeffrey Hidalgo, sa direksyon ni Mikhail Red.

Ayon kay Nadine ito ang unang pagkakataon na gumawa siya ng horror-suspense film at dugo’t pawis na may kasama pang luha  ang ibinigay nila para sa kanilang MMFF entry.

“After shooting ‘Deleter,’ I discovered it was really tiring to do a horror film. But even though nakakapagod siya, sobrang fulfilling.

“After every scene, we could see okay si Direk and he’s happy with the scenes. We enjoyed doing the film,” pahayag ni Nadine sa nakaraang presscon ng “Deleter.”

Sey pa ng Urian best actress, ikinagulat din niya ang pagpasok ng “Deleter” sa magic 8 ng MMFF 2022 na magsisimula na sa December 25.

“At first, wala siya sa plan, but we’re really, really excited and looking forward to the MMFF. Filipino tradition na ang mga tao pupunta ng sinehan, manonood, mag-attend ng parade.

“Ang feeling ko this time around, more people will flock to the theaters because they are all excited. Looking forward sila to attend events. We’re very proud of this film. We’re very confident,” pahayag pa ng dalaga.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakasali si Nadine sa taunang filmfest. Una siyang na napanood sa MMFF noong 2015 sa pelikula ni Vice Ganda na “Beauty and the Bestie”.

“I’m really looking forward to see ‘Deleter’. Nakakatuwa din na this time around, I will see myself again on the big screen. Sobrang excited akong makita ang pelikula namin. I will dub pa lang,” sabi pa ni Nadine.

Samantala, ayon naman kay Direk Mikhail, ang “Deleter” ay isang psychological horror film tungkol sa isang content creator na si Lyka (Nadine) na siyang nagtse-check ng mga video na ina-upload online at kung kailangan ba itong i-delete o hindi.

Isa sa mga na-delete niya ay ang nakakakilabot na pagsu-suicide ng kanyang officemate. At pagkatapos niyang mapanood at burahin ang nasabing video, nagsunud-sunod na ang nagaganap na insidenteng hindi maipaliwanag.

Si Mikhail din ang nagsulat ng script ng “Deleter” with his younger brother, Nikolas, na naka-collab din niya sa “Dead Kids” na ipinalanas noong 2019. Ilan pa sa mga nagawa niyang movie ay ang “Birdshot,” “Eerie,” “Block Z,” at “Rekorder”.

“I want my films to reach a wide audience. Especialy ‘yung ganitog subject matter as ‘Deleter.’ I can’t wait for the local audience to really watch this film. Ang exciting ng feeling na kami lang ang horror, so may captured market na agad ang ‘Deleter.’

“This is also something new. Hindi ang usual nating nakikita sa horror na very pop and rollercoaster. ‘Deleter’ also has all the scare elements and scare factors.

“Pero may kakaibang atmosphere dito. Very modern siya. It deals with technology and society. Exciting talaga,” sabi ni Direk.

Related chika:

Nadine Lustre tinawag na ‘basura’ ang FB page na nang-okray sa kulay niya: ‘Puwede nang gawing kasabwat na pulubi’

Marco Gallo, Heaven Peralejo keri nga bang pumalit sa dating trono nina James Reid at Nadine Lustre sa Viva?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine Lustre nagpasilip ng boobs; Kathryn pinuri ng mga doktor at nurse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending