Nadine Lustre tinawag na 'basura' ang FB page na nang-okray sa kulay niya: 'Puwede nang gawing kasabwat na pulubi' | Bandera

Nadine Lustre tinawag na ‘basura’ ang FB page na nang-okray sa kulay niya: ‘Puwede nang gawing kasabwat na pulubi’

Ervin Santiago |November 13,2022
facebook
share this

Nadine Lustre tinawag na ‘basura’ ang FB page na nang-okray sa kulay niya: ‘Puwede nang gawing kasabwat na pulubi’

Ervin Santiago - November 13, 2022 - 02:47 PM

Nadine Lustre tinawag na 'basura' ang FB page na nang-okray sa kulay niya: 'Puwede nang gawing kasabwat na pulubi'

Nadine Lustre (Photo from Siargao Secret FB page)

IPINAHAHANTING ng actress-singer na si Nadine Lustre ang may-ari at admin ng isang Facebook page na nang-okray sa kanyang katawan at itsura.

Hindi nagustuhan ng dalaga ang pinagsasabi ng FB page na “Siargao Secret” tungkol sa kanyang kulay kaya naman agad niya itong pinagsabihan at “binalaan.”

Naka-post sa nasabing Facebook account ang litrato ni Nadine kung saan nilait-lait nga si Nadine at sinabihang parang nadaot na ang itsura at tinawag pang mukhang pulubi.

“Para nang nasunog ang mukha ni Island Girl Nadine at umitim na ang kulay nang kutis nitong babaeng itong parati na lang nag-surfing sa isla,” mababasa sa naturang FB page.

“Walang problema ang kaniyang nobyo na may lahing French man, namumula lang ang kutis kapag nainitan, pero si Nadine konti na lang kulang puwede nang gawing kasabwat na pulubi dahil sa kaitiman.”

“Inday Nadine, malapit ka na talagang ma-certified island girl. Oh baka naman may bago na namang movie na darating. Ang Serina na Negra,” ang nakasaad sa caption ng litrato na isinalin na sa wikang Filipino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


Kahapon, November 12, nag-tweet si Nadine hinggil dito at tinawag na “trash” o basura ang nasabing FB page.

“Also if anyone finds out who owns that page lmk (let me know). I just wanna say hello,” ang makahulugan pang pahayag ng aktres.

Marami naman ang nagtanggol kay Nadine at karamihan sa mga ito ay pinayuhan ang dalaga na dedmahin na lang ito dahil sisikat lang ito at magagamit pa siya.

“Nadine pls don’t waste your precious time to a clout chaser. This is what that admin love to get your attention so don’t give in to that. Choose your battle wisely.”

“As if being morena is a sin. Can we just stop labeling people based on their skin color? The most common problem with Filipinos is when they see people being actually happy with their lives, you’d start commenting such things na di na kailangan. Instead na spreading things that could cause harm to others, why not share things nga maka enlighten sa minds sa uban tao.”

“Look another Filipino bashing its own kalahi. Well at least she pays her own bills. Y’all always look on the outside. What about on the inside? Lol she has a heart of gold. Her skin complexion is something that she should be proud of. True Filipina beauty.”

“Sometimes you have to fight a battle to stop the war!”

“Ate Nadine mas maganda ka pa ngayon sa color mo na yun, you know most fb users they kinda… but I think your color is your beauty signature it makes your beauty classy.”

“Napakaganda mo po queen… Ignore them, please do what makes you happy… we love you!”

Kris muling rumesbak sa nang-okray kay Bimby: You are bullying the wrong boy!

Angelica, Gregg naloka sa ginawa ng pekeng FB page na gumagamit sa kanilang content: Yung sa amin pa ang na-take down

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Ruffa nga ba ang tinutukoy ni Kris na bagong dyowa ni Herbert?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending