Nadine ipinagmalaki ng ama sa buong universe: You have proven that 'Love Teams' can be...Deleted! | Bandera

Nadine ipinagmalaki ng ama sa buong universe: You have proven that ‘Love Teams’ can be…Deleted!

Ervin Santiago - December 31, 2022 - 08:32 AM

Nadine ipinagmalaki ng ama sa buong universe: You have proven that 'Love Teams' can be...Deleted!

Ulysses at Nadine Lustre

PROUD na proud na ibinandera sa buong universe ng tatay ni Nadine Lustre ang mga achievements ng anak sa showbiz industry.

Matapos magwaging best actress si Nadine sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2022 Gabi ng Parangal para sa horror film na “Deleter”, ibinandera ng tatay niyang si Ulysses ang kanyang mga awards.

Sa kanyang Facebook account, ipinost ng father ni Nadine ang litrato ng mga trophy na natanggap niya mula sa Gawad Urian at FAMAS bilang Best Actress.

Bukod dito, ipinakita rin niya ang iba pang parangal at recognition na natanggap ng kanyang anak kabilang na ang ilang Box-Office Entertainment Awards at MYX Awards.

“Waiting for the new one to come home. Thank you so much, fans and supporters. Don’t stop believing,” ani Ulysses sa caption ng kanyang FB post.


“Congratulations, Ate! With real talent, hard work, and determination, you have proven that ‘Love Teams’ can be… Deleted,” dagdag pa niya.

Bukod sa best actress, nanalo rin ang “Deleter” ng Best Picture, Best Director para kay Mikhail Red, Best Cinematography para kay Ian Guevarra, Best Sound, Best Visual Effects, at Best Editing.

Sey ni Nadine, hindi talaga niya in-expect na siya ang mananalong best actress dahil magagaling din ang nakalaban niya kabilang na sina Toni Gonzaga (My Teacher) at Heaven Peralejo (Nanahimik Ang Gabi).

“Sobrang unreal. Like what I said earlier, hindi talaga namin in-expect na makakasama sa MMFF yung ‘Deleter.’ Sobrang unreal, parang nananaginip pa rin ako,” sabi ng aktres.

Aniya, bonus na lang daw ang mga natanggap na awards ng kanilang MMFF entry dahil ang mahalaha ay tinatangkilik ngayon ng mga Pinoy ang ginawa nilang pelikula na balitang pumapangalawa sa ranking ng walong kalahok ngayong taon.

“I am really really happy kasi para sa amin, para sa Team Deleter, enough reward na yung gustuhin siya ng mga Pilipino na panoorin, na mag-enjoy silang lahat na panoorin.

“Isang malaking malaking bonus para sa Team Deleter yung manalo ng awards. I am really really happy,” aniya pa.

Tatay ni Nadine botong-boto sa bagong dyowa ng anak; Christophe Bariou super close na sa pamilya Lustre

Nadine sa MMFF 2022 best actress award: Happy ako na napasigaw namin kayo this Christmas!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine kering-kering umariba nang walang ka-loveteam: It’s nice to do projects without relying on a regular partner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending